Aktres nilalayuan na parang may nakakahawang sakit
KAPOS ang magdamag na chikahan kapag ang isang kilalang female personality ang tinututukan ng isang grupo. Ang dami-dami kasing kuwento tungkol sa kanyang mga kalokahan na naranasan nilang lahat sa pakikipagtrabaho sa babaeng personalidad.
May mga nakatrabaho ang female personality sa telebisyon, meron din sa pelikula, meron din sa entablado. Alam na alam ng tropa ang kanyang mga kalokahan lalo na kapag inaapuntahan na siya ng kaartehan.
Kuwento ng isang source, “Di nga ba, wala nang may gustong makipagtrabaho sa kanya nu’n sa isang network? Kasi nga, ang dami-dami niyang kaartehan sa katawan.
“Sa pagka-busy niyang ‘yun, e, para siyang praning na may sapat na oras pa para gumawa ng kung anu-anong kaartehan na ipinakakabit niya sa staff sa mismong pintuan ng dressing room niya.
“Siya mismo ang gumagawa, magdamag siguro niyang pinagpupuyatan ang pagle-lettering, at anu-ano naman ang nakasulat sa malalaking kartolinang ipinakakabit niya sa door ng kanyang dressing room?
“Ang mga nakasulat du’n, bawal kumain sa dressing room niya ang kahit sino. Meron ding nakasulat na kailangan munang kumatok ang kahit sinong may gustong kumausap sa kanya.
“Pinagbabawalan din niya ang pagkukuwentuhan sa tapat ng kanyang dressing room, wala raw dapat nag-iingay du’n, dahil nakaaapekto ang ingay sa pag-arte niya.
“Basta, maraming bawal, maraming hindi puwedeng gawin ang mga katrabaho niya. Ang kulang na lang sa mga ipinapapaskel niya, e, ‘Bawal mabuhay!’
“Ganu’n siya katindi, gumagawa siya ng mga sarili niyang policy. Nakakaloka ang babaeng ‘yun, kaya marami nang umiiwas na makatrabaho siya,” kuwento ng aming impormante.
Bradly Guevarra, ikaw pa ba naman ang hindi makatutumbok kung sino ang female personality na ito, siguradong ayaw mong maitulak ka sa imburnal, di ba, kaya goooo!!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.