Sarah Lahbati palabang hot mama, todo sa pagpapaseksi | Bandera

Sarah Lahbati palabang hot mama, todo sa pagpapaseksi

Ervin Santiago - March 19, 2016 - 03:00 AM

SARAH LAHBATI

SARAH LAHBATI

PINASILIP kamakailan ng former PBB 737 housemate na si Zeus Collins at Sarah Lahbati ang kanilang regular na workout routines kay Korina Sanchez-Roxas para sa katatapos lamang na espesyal na summer episode ng Rated K.

Tuwang tuwa ang misis ni Mar Roxas sa mga eksklusibong tips na ibinigay nina Zeus at Sarah na swak na swak ngayong summer season kung saan usong-uso ang pagrampa ng mga Pinoy sa iba’t ibang beaches ng bansa.

“Grabe ang dedikasyon nina Zeus at Sarah sa kanilang mga workout routines,” kuwento ni Korina. “Nakaka-inspire sila kasi talagang nahahanapan nila ng oras ang pagpunta sa gym sa kabila ng kanilang busy schedules.”

Isa si Zeus sa mga bagong tinitilian sa ABS-CBN matapos siyang pumasok sa bahay ni Kuya at maging isa sa mga miyembro ng sikat na sikat na grupong #Hashtag na lumalabas araw araw sa It’s Showtime. Dancer si Zeus at pagsasayaw ang isa mga activites na regular niyang ginagawa upang panatilihing maganda ang kanyang pangagatawan.

Mabilis namang naibalik ni Sarah ang kanyang seksi figure matapos niyang ipanganak ang panganay nila ni Richard Guttierez na si Zion. Circuit training, weight lifting, at cardio exercises ang pinagkakaabalahan ni Sarah sa gym kung saan tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo siya nagpupunta.

“Perfect para sa mommies ang routine ni Sarah dahil oras lang talaga ang puhunan para bumalik ang alindog ng mga nanay lalo kung kakapanganak lang nila. Parang walang anak si Sarah at sobra siyang nakakainspire,” sabi pa ni Korina.

Ayon kina Zeus at Sarah, importante din ang tamang diet at wastong tulog upang ma-achieve ang perfect summer body. “Kaya wala akong dahilan para hind imaging fit at healthy kahit gaano ako ka-busy sa trabaho. Disiplina at commitment lang naman ang kailangan para lagi tayong mabyuti,” sabi ng beteranang broadcast journalist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending