Pacquiao muling umangat sa SWS survey
NASA pampitong puwesto muli si Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos naman ang kontrobersiya kaugnay ng naging pahayag laban sa same sex marriage at ang banta ng disqualification sakaling ituloy ang kanyang laban kontro Timothy Bradley.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Pebrero 5-7, sa pagkasenador ay nangunguna pa rin ang reelectionist na si Sen. Tito Sotto (53 porsyento) na sinundan nina dating Sen. Panfilo Lacson (46 porsyento), Senate President Franklin Drilon (44), Sen. Ralph Recto (43), dating Sen. Kiko Pangilinan (43), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (41), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (38), Sen. Serge Osmena (34), dating Sen. Richard Gordon (32), dating Justice Sec. Leila de Lima (32), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (30), Sen. TG Guingona (26).
Sumunod naman si dating TESDA chief Joel Villanueva (24), dating MMDA chairman Francis Tolentino (23), Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (21), Mark Lapid (17), Leyte Rep. Martin Romualdez (17), aktor na si Edu Manzano (15), Vice Mayor Isko Moreno Domagoso (9).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.