Sa pagnenegosyo yayaman | Bandera

Sa pagnenegosyo yayaman

Joseph Greenfield - March 12, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Abner ng Catabban, Burgos,  Isabela
Dear Sir Greenfield,
Nasa abroad po ang misis ko sa ngayon at nagta-trabaho siya bilang caregiver. Okey naman ang kita nya, kaya nagpadala siya sa akin ng kaunting puhunan, na sa ngayon ang balak kong gawing negosyo ay paghahayupan tulad ng pag-aalaga ng baboy o kaya’y mga kambing at baka. Itatanong ko lang po kung susuwertehin kaya kami sa ganitong negosyo? Kung hindi po may iba pa kayang magandang negosyo na magbibigay sa amin ng pag-unlad upang pag-uwi ng misis ko ay hindi na siya mag-abroad, sa halip ipagpatuloy na lang namin ang aming negosyong paghahayupan. At may chance kaya kami na yumaman balang araw? May 8, 1979 ang birthday ko at January 13, 1980 naman ang misis ko.
Umaasa,
Abner ng Burgos,  Isabela
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matambok ang Bundok ng Saturno sa iyong palad (Illustration 2.) na nagpapahiwatig na bukod sa paghahayupan papalarin din kayo sa mga produktong may kaugnayan sa agricultural products, ganon din sa mga produktong butil, tulad ng bigas, mais, kamote, mane, kape, animal feeds at iba pang kauri nito. Sa nasabing mga negosyo may pag-unlad at pagyamang itatala.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Jack of Clubs at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagtutulungan nyo ni misis, sa larangan ng negosyo at pangangalakal, siyam na taon mula ngayon, mayamang-mayaman na kayo!
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending