True ba, Kim diring-diri kay Xian?
NAPAHAGALPAK ako sa ka-cheapan nitong si Xian Lim na pa-hunk actor kuno dahil finally daw ay nasabi na niyang nagmamahalan na sila ni Kim Chiu. Hasus! Press release na naman ba ito para sa kanilang bagong project?
Akala siguro nila, sa tanda na nilang ito ay may na-excite pa sa pag-amin niya. At may drama pa siyang ayaw niyang lagyan ng label ang kanilang pagmamahalan – another kabadingan statement, ha? Kasi kung nagmamahalan talaga sila, ano bang aminin na lang nang diretso. Hindi yung pa-cute effect pa. Ito talagang mga starlets na ito, oo.
Ewan ko ba kung bakit allergic ako sa pangalang Xian Lim, tuwing nababasa ko o naririnig ko ang namesung niya or tuwing nakikita ko ang pictures niya ay parang diring-diri ako. There must be something about him na hindi ko talaga gusto. Kahit anong bait-baitan ang gawin niya after niyang ilabas ang tunay na kulay niya years back, parang nahihirapan na akong tanggapin siya sa puso ko.
Hindi pa nga healed ang sugat he caused me many months ago. Probably in time pero definitely not now. I don’t know when pero NOT NOW!
Sasabihin na naman nila na hindi sadyang promo nila ang mag-aminan kuno sa public na nabobola nila pero obvious naman, di ba? May nagsabi nga sa amin that there were times in the past na sweet-sweetan lang sila pag kaharap ang press pero pag wala ng tao, they don’t even talk to each other daw.
Parang diring-diri raw si Kim noon kay Xian, alam niya kasi ang kara ng lalaking ipinartner sa kaniya.
Alam niya siguro ang sobrang pagka-fake nitong si Xian. I hope that he has changed for the better. I’m sure naman, marami nang realization ang lalaking hitad na ito sa mga kagagahan niya in the past. So sad, hindi na siya umeepek sa amin.
He’s just a nobody sa aming paningin. Walang galang at walang respeto kasi kaya lumayo ang loob namin sa kaniya. Diyos ko, kung alam niyo lang ang maraming kuwentong nakabalot sa pagkatao ng taong ito kaya wala talaga akong amor sa kaniya.
So, nagmamahalan na nga sila ni Kim Chiu? SO WHAT? Care namin! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.