Disability benefits sa SSS | Bandera

Disability benefits sa SSS

Liza Soriano - March 05, 2016 - 03:00 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako ngayon ay 56-years old na at may 20 years na rin na nagtatrabaho bilang clerk sa isang malaking company dito sa Sta. Barbara, Pangasinan. Sa ngayon ay halos hindi na ako makakita. Noong una ay kaliwang mata ko lamang pero ngayon ay halos hindi na rin makakita ang kanang mata ko, aninag na lamang ang nakikita ko. Kaya nga isang linggo na akong hindi nakakapasok sa trabaho.

Plano ko na magpacheck up na lamang sa Manila dahil nariyan ang magagaling na espesyalista sa mata pero gusto ko sanang itanong kung cover ba o pwede akong mag file ng disability benefit sa SSS at magkano ang pwedeng makuha?

Jaime Valle Brgy Maronong, Sta. Barbara Pangasinan

REPLY: Para sa iyong katanungan Ginoong Valle, saklaw naman ng disability claim ang pagkawala ng paningin at maaaring mag file ng claim sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.

Ang disability ay cash benefit na bayad sa isang miyembro na nagkaroon ng permanenteng kapansanan. Ang isang miyembro na may permanenteng kapansanan na nakapag-kontribusyon kahit isang beses sa SSS bago ang semester ng contingency, ay kwalipikado sa benepisyong ito.

Ang kumpleto at permanenteng pagkawala nang anumang parte ng katawan ng manggagawa sa ilalim ng permanenteng di-ganap na kapansanan:

1 hinalalaki 1 hintuturo 1 gitnang daliri 1 palasingsingan 1 kalingkingan paningin ng 1 mata pandinig ng 1 tainga pandinig ng 2 tainga 1 paa 1 binti 1 hinlalaki sa paa 1 kamay 1 braso 1 tainga 2 tainga Ang mga sumusunod ay nasa ilalim ng permanenteng kapansanan:

1. Kumpletong pagkawala ng paningin ng dalawang mata; 2. Pagkawala ng dalawang paa/braso o sa itaas ng bukung-bukong o pulso; 3. Permanente at kumpletong pagkalumpo ng dalawang paa/braso; 4. Pinsala sa utak na naging resulta sa pagkasira ng ulo; at 5. Mga iba pang kaso na natukoy at inaprubahan ng SSS.

Ang Uri ng Disability Benefits:

1. Ang buwanang pensiyon na binabayad sa may kapansanang miyembro na nakapagbayad na ng kahit 36 buwang kontribusyon sa SSS; at 2. Halaga ng lump sum para sa mga miyembrong hindi nakapagbayad ng kaukulang 36 na buwanang kontribusyon Ms. Beth Suralvo Senior Officer, SSS Media Affairs Department May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending