P1.3M halaga ng kabaong na pinili ni Vice para kay Direk Wenn
SA kabila ng pagpapatawa, hindi pa rin napigilan ni Vice Ganda ang maiyak habang nagbabahagi ng mga masasayang alaala nila ng yumaong direktor na si Wenn Deramas.
Sa fourth day ng lamay para sa mga labi ni Direk Wenn nitong Huwebes ng gabi, nagsalita si Vice bilang bahagi ng programang pinamahalaan ng Star Cinema at Star Creatives ng ABS-CBN para magpasalamat at bigyang-pugay ang box-office director.
Sey ni Vice, napakasakit para sa kanya ang biglang pagpanaw ng direktor, ang lagi pa nga niyang tanong ay kung sino na ang magdidirek ng mga pelikula niya. Napakalaki raw ng tinatanaw niyang utang na loob sa direktor at habang nabuhuhay siya ay mananatili ring buhay sa kanyang puso si direk Wenn.
Tawanan naman ang mga nasa burol nang ikuwento ng TV host-comedian kung paano siya namili ng ataul para sa direktor.
Matapos nito ay ikinuwento ni Vice kung paano siya namili ng kabaong para kay Direk Wenn, “Namimili ako ng kabaong… Ang daming kabaong, tulala ako.
“Sabi ko, ‘Tita June (Rufino, talent manager at malapit ding kaibigan ni Wenn Deramas), ito na ang pinakagusto ko. Kasi simple lang, may mga simple lang, pero masyado namang may engrave-engrave.
“Sabi ko, ‘Ito na lang.’ Sabi niya, ‘Sigurado ka ba na ‘yan?’ Sabi ko, ‘Ito na.’ Ito na talaga. So, sabi ko du’n sa taga-Arlington, ‘Magkano po ito?’ ‘P1.3 million.’”
“So, sabi ko, Tita June, parang mas magandang magpa-cremate. P1.3M? E, bonus yun sa blockbuster film.’
“Sabi ni Tita June, ‘Ay, hindi siya puwedeng tipirin. Ayaw niya. Gusto niya, star siya. Gusto niya magarbo siya. Gusto niya bongga siya. Kung ‘yan ang gusto mo, ‘yan ang ibibigay natin.’
“Okay, ‘yan na po, P1.3M.’ Sabi ko kay Tita June, ‘Pagkatapos ba niya, puwede ko bang gamitin?’” sabi pa ni Vice kaya tawanan ang mga tao sa Arlington.
Patuloy ni Vice, “Pero deserve niya ‘yan. Ang worth niya ay hindi isang milyon, hindi isang bilyon.
“Mahigit sa kanya nating i-calculate at i-compute ang worth ni Wenn Deramas, kasi nag-iisa lang siya. Nag-iisa lang siya.
“Kaya ang tanong, paano na ako? Si Wenn ay si Vice, si Vice ay si Wenn. So, paano na? Ang sakit-sakit na po sa kakaisip,” pahayag pa ng komedyante.
Sa interview naman sa kanya ng Tonight With Boy Abunda natanong siya kung paano niya gustong maalala si direk Wenn ng madlang pipol, “ I want him to be remembered as the director, yung isang director na laging may magandang regalo sa kanila tuwing pasko.
“Yung isang pelikulang tatawanan nila kasama yung pamilya nila. Sabi ko nga the Metro Manila Film Festival will never be the same again kasi wala ng Wenn Deramas,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.