Gusto naman daw nila ng kambal na anak
GUSTO pa raw ni Regine Velasquez na mabuntis, kung siya raw ang tatanungin, gusto pa raw niya ng isa pang anak para raw tig-isa sila ng kalong na bata ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.
“Kung ibibigay, why not? Para mas masaya, di ba?
Kapag namamasyal kami ni Ogie, tig-isa kami ng baby!” chika ni Regine.
Kaya pa naman daw niyang manganak kahit na 41 na siya, “According to my OB (Gynecologist), okay pa ako.
Kasi I took care of myself naman… I’m still taking care of myself naman.
So, parang ang bata nga raw ng ano ko, e… so kaya pa… kaya naman.”
Say pa ni Regine gusto niya raw sana ay kambal, “‘Yun ang gusto ko. Pero kung ibibigay… naku, hindi pa nga sure kung mabubuntis ako uli e. Pero kami ‘yung may lahi ng kambal.”
E, tinatrabaho na ba nila ni Ogie ang paggawa ng baby? “Oo, nagse-sex kami!
Kung ‘yun ang tinatanong ninyo. Oo! Ha-hahaha!” chika pa ng Songbird.
“Hindi, honestly, hindi na namin pinaplano. Kasi pag pinaplano, mas nahihirapan kami.
Although, noong dumating si Nate, nagpaplano na kami. Okay this time.
“Kaya lang, noong nabuntis ako, meron akong soap.
So, talagang hindi ‘yun actually ang plano namin.
Pero binigay Niya. Kaya dumarating talaga kahit hindi mo planuhin.
Kasi alam mo naman si God, pabigla-bigla, hindi mo talaga ini-expect,” esplika pa ni Regine.”
So, talagang hindi ‘yun actually ang plano namin. Pero binigay Niya. Kaya dumarating talaga kahit hindi mo planuhin. Kasi alam mo naman si God, pabigla-bigla, hindi mo talaga ini-expect,” esplika pa ni Regine.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.