OSANG epal sa TWITTER, ‘INISKANDALO’ si JOLO | Bandera

OSANG epal sa TWITTER, ‘INISKANDALO’ si JOLO

|December 28,2012
facebook
share this

OSANG epal sa TWITTER, ‘INISKANDALO’ si JOLO

- December 28, 2012 - 04:39 PM

rossana rocesGusto na namang mapag-usapan at maging kontrobersyal

Nagsimula na namang magpasaring ngayon si Rosanna Roces kay Chairman Jolo Revilla.

Sinasagot niya ang mga pahayag ng pamilya Revilla, pero puro patagilid lang naman ang kanyang mga sinasabi, kumbaga sa boksing ay nakikipagsukatan lang muna si Osang kung papatulan siya o hindi ng aktor-politiko.

Pero mukhang mapapagod siya sa kapaparinig sa kanyang Twitter account, kahit katiting na reaksiyon ay wala siyang napapala mula sa kampo ni Chairman Jolo, para lang nakikipagsuntukan sa multo si Osang.

Magaling tumiyempo ang babaeng ito, kung kailan may pinapasukang aksiyon ang pamilya Revilla, saka naman siya papasok para manggulo.

Sabi nga ng mga bading, “Spell M!” As in, matindi ang pangangailangan.

Sana’y tantanan na ni Rosanna ang ganu’n, isipin na lang sana niya na nu’ng kunin ni Chairman Jolo ang pangangalaga sa kanyang apong si Gab ay napakagandang kinabukasan naman ang ibinigay nito sa bata.Nag-aral si Gab sa magandang eskuwelahan, minahal nang todo ng pamilya ng kanyang ama, ano pa ba naman ang mahihiling ni Osang sa ginawang panangalaga ng pamilya ni Jolo sa kanyang apo?

Mas magandang asikasuhin na lang ni Rosanna ang kanyang sarili, ang kanyang career, sayang na sayang ang pinabayaan niyang karera na hindi naman inireregalo ng kapalaran sa bawat personalidad na nangangarap.

Sa halip na ang mga Revilla ang bigyan niya ng panahon, tutukan niya na lang ang kanyang buhay, para hindi siya nagiging bida sa mga blind items na ultimo taxi driver ay tinatakbuhan niya kapag kinukuha niya ang serbisyo.

Sa totoo lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending