Martin Nievera: Kahit patay na ako kapamilya pa rin ako ng ASAP! | Bandera

Martin Nievera: Kahit patay na ako kapamilya pa rin ako ng ASAP!

Reggee Bonoan |February 28,2016
facebook
share this

Martin Nievera: Kahit patay na ako kapamilya pa rin ako ng ASAP!

Reggee Bonoan - February 28, 2016 - 02:00 AM

martin nievera

Kamakailan lang namin nasulat dito sa BANDERA na nagtampo si Martin Nievera sa ASAP20 dahil hindi na siya kasama sa mga main host tulad ng dati.

Matatandaang si Martin ang pioneer host ng ABS-CBN Sunday noontime show na Sa Linggo nAPO Sila noong 1995 hanggang sa paiba-iba na ang titulo throughout the years hanggang sa naging ASAP20 na.

Sa ginanap na launching ng I Love OPM contestants noong Biyernes ng tanghali ay inamin ni Martin bilang isa sa “Himmigration Officer” kasama sina Lani Misalucha at Toni Gonzaga-Soriano (hindi dumalo) na hindi muna siya magre-report sa ASAP.

“I think I need to concentrate on this show (I Love OPM) that’s why I don’t report to ASAP. They need me on this show,” pahayag ng TV host ng tanungin siya tungkol dito. Hindi na nga ba babalikan ni Martin ang ASAP, “Of course not, I will never leave ASAP.

ASAP will always be a part of my life even if I’m dead, that’s gonna be my show. I love that show, I love being in ABS-CBN,” mabilis niyang sabi. Sa madaling salita, babalik si Martin sa ASAP pagkatapos ng I Love OPM, “When I’m 65 (years old), who knows, baka next Sunday, di ba?”

Bilang guest o regular pa rin, “As a singer, I’m not a host anymore on ASAP, I’m not one of the main host anymore because they have new hosts.” “ASAP is ASAP, it’s good, regardless there were no superstar on our show here (I Love OPM), and we are equally here, no billing problems whatsoever,” malamang katwiran ni Martin.

Hmmmmm, tila may pinaghuhugutan si Martin. Anyway, sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Toni at Luis Manzano na ang main host ng ASAP20 at simula nu’ng naging sila ay tumaas na ang rating ng programa.

Sobrang nage-enjoy daw si Martin sa I Love OPM dahil 100% na hindi Pinoy pero love na love ang Original Pinoy Music. Samantala, laging trending ang I Love OPM tuwing weekend at nakakuha kaagad ng 24.8% noong Peb. 13 at 20% naman noong Peb.14.

Isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang I Love OPM na hino-host ni Anne Curtis with co-host Erik Nicolas na ayon mismo sa staff ng programa ay si Cory Vidanes (ABS-CBN COO) daw ang nakaisip nito at pinabuo sa kanila.

Nakapili na ng 12 Touristars sa loob ng dalawang linggo na aprubado ng Himigration Officers at mapapanood na sa susunod na round. Ang mga napili ay ang Amerikanong si Sumner Mahaffey at Australyanong si Naisa Lasalosi na parehong misyonaryo sa bansa, Indian na si Addy Raj na isa namang exchange student.

Ang Pakistani model na si Harris Dio Smith at Amerikanong negosyanteng si Jerome Mccuin naman ay natagpuan ang kanilang lugar sa Pilipinas matapos maimbitahan ng mga Pilipinong kaibigan.

Samantala, pag-ibig naman ang nagdala sa Rusong si Anna Rabtsun at Amerikanong si Daniel Herrington sa Pilipinas na kapwa nakahanap ang kanilang mamahalin.

May ilan din na sadyang nahulog lang talaga ang loob sa musikang Pinoy tulad ng Amerikanong si Ryan Gallagher, dalagitang German-Irish na si Jeena Dimaandal, at Singaporean na si Fathin Amira.

At ang ika-12 sa puwesto ay ang Korean band na J Morning at interracial singing trio na DBD na binubuo nina Dae Lee, Nigerian na si Bobby Skyz at Australyanong si Dwaine Mooley.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mananalo sa I Love OPM ay bibigyan ng kontrata sa Star Music at posibleng maging artista under Star Magic at P2 milyon cash. Bukod dito papupuntahin ang pamilya ng mananalo dito sa Pilipinas sagot ng ABS-CBN.

Nilinaw din ng taga-production ng I Love OPM na may special working visa raw ang mga contestant na inayos ng ABS-CBN at kakaltasan din sila ng tamang buwis base sa napanalunang cash.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending