Duterte nangakong hindi magdedeklara ng martial law
NANGAKO kahapon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya magdedeklara ng martial law sakaling manalo sa pagkapangulo sa Mayo.
“There is no need to declare martial law. We have several laws which are not being fully implemented,” sabi ni Duterte.
Iginiit naman ni Duterte na magiging mahigpit siya at malupit sa mga kriminal at mga sindikato ng droga.
“I just want everybody to follow the law. But, I will be strict and harsh,” dagdag ni Duterte.
Nauna nang nangako si Duterte na tatapusin niya ang kriminalidad, iligal na droga at katiwalian sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.
“I will not hesitate to order the police to shoot you dead,” dagdag pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.