Hacker ng IG account ni Maine, nag-sorry na
NAG-SORRY na ang taong nang-hack sa Instagram account ni Maine Mendoza.
Ilang oras matapos ibalita ni Alden Richards na na-hack nga ang IG account ni Yaya Dub naglabas ng statement ang hacker at nangakong ibabalik na niya ito sa tunay na may-ari.
Humingi ng paumanhin ang hacker matapos nitong tanggalin ang mga litrato at mensaheng naka-post sa IG ni Yaya Dub na talagang ikinabwisit ng AlDub Nation.
Sa huling pagsilip namin sa IG account ni Maine kahapon nananatili pa ring 2.2 million ang kanyang followers at isa na lang ang pina-follow nito — ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.
Sa biography section naman ng IG account ni Maine ay may nakasulat na: “I will put your email so res(e)t the password, i know i’m wrong i’m sorry.”
Siniguro naman ni Maine sa kanyang followers na okay lang siya at huwag nang mag-alala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.