Italian GF ni James Yap 5 months buntis; dito sa PH manganganak | Bandera

Italian GF ni James Yap 5 months buntis; dito sa PH manganganak

Ervin Santiago - February 25, 2016 - 12:46 PM

MARAMING tagasuporta si James Yap ang natuwa at nag-congratulate sa kanya nang kumalat ang balitang buntis na ang Italian girlfriend niyang si Michelle Cazzola.

Ayon sa mga nabasa naming komento ng mga fans ng ex-husband ni Kris Aquino, masaya sila para kay James dahil magiging tatay na uli siya at magkakaroon na rin ng anak na siya mismo at si Michelle ang mag-aalaga at magpapalaki.

Five months pregnant na ang dyowa ni James at inaasahang manganganak ito sa third quarter ng taon. Mismong si Michelle ang nagkumpirma nito sa isang panayam.

Ayon pa sa ulat, sa Pilipinas din  planong manganak ng dyowa ni James dahil nais niyang makama ang PBA player habang ipinagbubuntis niya ang kanilang first baby.

Ayon naman sa kampo ni James, isang malaking blessing ang pagbubuntis ni Michelle at napakagandang birthday gift na rin para sa kanya. James just turned 35 last Feb. 15.

Kung hindi kami nagkakamali, ito na ang ikatlong anak ni James, isang non-showbiz girl ang nanay ng panganay niyang anak at kay Kris Aquino nga ang pangalawa –  si Bimby. Naging magkarelasyon ang dalawa noong 2012.

Ano naman kaya ang masasabi ni Kris sa balitang ito? Yan ang magandang abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending