Pokwang sa We Will Survive: Hindi kami iiyak nang iiyak dito! | Bandera

Pokwang sa We Will Survive: Hindi kami iiyak nang iiyak dito!

Ervin Santiago - February 25, 2016 - 02:00 AM

POKWANG

Feel good at punumpuno ng inspiring moments ang bagong serye ng ABS-CBN na We Will Survive.
Ito ang unang proyektong pagtatambalan nina Pokwang at Melai, na gaganap bilang dalawang magkababatang lumaki sa Bicol.

Bagama’t may magkaibang personalidad, mahahanap nila sa isa’t isa ang samahang lagi nilang maaasahan anumang pagsubok ang kanilang harapin. Ididirek ito ni Jeffrey Jeturian at mula rin sa produksyon na nagbigay sa mga manonood ng mga feel-good teleserye na Be Careful With My Heart, Dream Dad, at Ningning.

“‘Yun naman ang buhay di ba, tayong mga Pilipino kahit anong hirap ang pinagdaanan natin sa buhay, kahit anong trahedyang dumating sa atin, we will survive,” ani Pokwang. “Kailangang abangan ito ng ating mga Kapamilya kasi kakaibang offering naman ito sa primetime.

Makakakuha sila dito ng inspirasyon at good vibes, at kung paano makaka-survive sa buhay,” sey naman ni Melai. Anu-ano kaya ang mga hamong susubok sa pagkakaibigan nina Pokwang at Melai? Sa lahat ng mga ito, buong loob pa ba nilang masasabing “we will survive”?

Makakasama rin dito sina Josh De Guzman, Carlo Aquino, Jeric Raval, Bea Saw, Regine Angeles, Viveika Ravanes, Bing Davao, Alcris Galura, Maris Racal, Joshua Zamora, McCoy De Leon at Vangie Labalan. Magsisimula na ang We Will Survive sa Lunes, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending