Maine Mendoza pinagkaguluhan ng dabarkads, muntik nang mahubaran
SOME fans of Maine Mendoza are very unruly.
Just saw a video ng isang popular website where it showed na talagang pinagkaguluhan si Maine. We saw kung paano nagkagulo ang mga tao sa dalaga. Talagang gusto nilang dumugin si Maine.
May isang fan na nagtsikang muntik na raw mahubaran si Maine sa pagpunta niya sa isang barangay recently. Ang dami kasing tao na gustong lumapit sa kanya at muntik na siyang kuyugin. Ang chika, meron pa raw nambato ng plastic bottle kay Anjo Yllana.
Nabahala ang fans dahil sa sinapit ni Maine. Most of their comments ay nagpapakita ng worry nila sa dalaga.
“Dapat huwag na muna ilabas sa JFA si Meng. Kung lalabas man dapat maraming security,” said one fan.
Na sinagot naman ng isa ng ganito, “Sa istorya ng kalyeserye si Meng talaga ang sa kalsada. Siya yung kasama ng JOWAPAO sa mga baranggay na pinupuntahan ng JFA AFJ.”
“Maine obviously looks scared dun sa video. I hope they would just leave Maine sa broadway pag ganitong congesed baranggays ang pupuntahan nila. kasi seriously, sinong artista ang nasa stardom level ni maine ang araw araw na nasa kalye at exposed sa publiko? to think na babae pa siya.
“Hindi lang ito ang unang beses, there was a time na nasampal siya nung sila ni Alden ang nagsugod bahay, and sabi nga niya yung nakukurot at nahihila siya lagi kasi nasasabik yung mga tao pag nakikita siya sa barangay,” say naman ng isa pa.
“Tsk. Don’t bring her in places that you can’t control the crowd. I’m sorry to say this, but don’t court disaster. We’ve all read stampede tragedies, and it can happen when there’s too much crowd, less security control. Just one thing that will spook the crowd, and all bets will be off,” pahabol pa ng isa.
We felt na nagkulang sa security ang Eat Bulaga. Halatang kulang sa bodyguards si Maine. At kung meron man, ang papayat at mukhang hindi bodyguards. Parang nagtitipid sa security ang noontime show gayong ang laki naman ng kinikita nila kay Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.