Pula ang suwerteng kulay para maka-jackpot sa lotto (2) | Bandera

Pula ang suwerteng kulay para maka-jackpot sa lotto (2)

Joseph Greenfield |February 20,2016
facebook
share this

Pula ang suwerteng kulay para maka-jackpot sa lotto (2)

Joseph Greenfield - February 20, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Dan ng Maliao, Pavia, Iloilo
Problema:
1. Mula ng mawalan ako ng trabaho dahil isa ako sa mga natanggal sa aming kumpanyan ng mag-bawas ng empleyado, nagsimula ng maghirap ang aming pamilya. Upang makaahon at mapag-aral ang apat kong mga anak lalo kaming nagkabaon-baon sa utang kaya napilitang maglabada at magkatulong ang misis ko.
2. Sa ngayon umaasa na lang ako sa pagtaya-taya sa lotto pero hindi naman ako tumatama ng malaking halaga. Sa palagay nyo may pag-asa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inalagaan ko ang dami kasi naming mga utang na dapat bayaran. At itatanong ko na rin sana kung makapag-aabroad ba ang panganay kong anak na tapos ng kursong seaman matagal na rin siyang nag-aaplay sa barko pero walang nangyayari. April 10, 1989 ang birthday ng anak kong panganay at December 12, 1970 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Dan ng Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Aries ng iyong anak (Illustration 2.) ang nagsasabing makapag-aabroad siya sa tulong ng isang lalaking balbas sarado na matigas ang hilatsa ng buhok. Sa sandaling siya ay nakapag-abroad, tuloy-tuloy ng gaganda at uunlad ang kanyang career.
Numerology:
Ang birthday mong 12 ay nagsasabing biglang suwerte ang magaganp sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre sa taong ito ng 2016 hanggang 2017. Kaya nga sa panahong tinuran, samantalahin mo ang pagtaya-taya sa lotto, dahil maaaring sa panahon nabanggit mahahablot mo na ang jackpot.
Luscher Color Test:
Mapalad ang kulay na pula. Isuot at gamitin mong lagi ang nabanggit na kulay sa tuwing tataya ka sa lotto. Sa ganyang paraan, mahihigop mo na ang suwerte at magandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay hanggang sa tuloy-tuloy ka ng yumaman.
Huling payo at paalala:
Dan ayon sa iyong kapalaran, ang taong 2016 at 2017 ang magiging isa sa pinakamapalad mong taon. Kaya nga sa nasabing panahon, samantalahin mo ang pagtaya sa lotto. Sa edad mong 46 pataas, tatama ka ng malaking halaga, at sa sandaling naka-jackpot ka, wag mong kakalimutang tumulong sa Simbahan na iyong kinaaaniban at sa mga taong naghihirap. Sa ganyang paraan, yong napanalunan mo ay hindi mo ipinagdadamot, hindi ito masisimot, sa halip, dahil natuto kang mag share ng blessing tuloy-tuloy na uunlad at lalago pang lalo ang iyong kabuhayan hanggang sa lalo ka pang yumaman ng yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending