Claudine di kailangan ng lalaki para lumigaya | Bandera

Claudine di kailangan ng lalaki para lumigaya

Ervin Santiago - February 12, 2016 - 03:00 AM

CLAUDINE BARRETTO

CLAUDINE BARRETTO

WALANG Valentine date si Claudine Barretto sa darating na Feb. 14 – at hindi rin naman daw siya naghahanap ng lalaki para magpaligaya sa kanya sa araw ng mga puso.

Nakachika namin ang estranged wife ni Raymart Santiago sa ginanap na advanced screening ng bago niyang teleserye sa TV5, ang Bakit Manipis Ang Ulap? na magsisimula na sa darating na Lunes, at dito nga niya naichika sa amin ang ilang detalye sa personal niyang buhay.

Ayon sa bagong Kapatid actress, wala pa rin daw siyang boyfriend at hindi rin siya nag-e-entertain ng manliligaw.

“You know what, sa maniwala kayo o sa hindi, okay na ako sa mga anak ko talaga. Sobrang happy na ako sa kanila, really. I have wonderful and great friends now aside from my family na alam n’yo naman, sila ang pinagkukunan ko talaga ng inspirasyon and strength sa lahat ng laban ko sa buhay.

“On February14, actually, wala pa talaga. Usually kasi kapag Valentine’s day hindi kami nagse-celebrate on that day, it’s either 13 or 15. Kasi nga di ba, maraming tao, traffic. So baka nasa bahay lang kami, magba-bonding kami ng mga anak ko,” pahayag ni Claudine.

Tinanong din namin siya kung may mga guys nang umaali-aligid sa kanya para manligaw, “siguro…hindi ko kasi masabi talaga. Kasi unang-una, wala naman, walang nanliligaw. I don’t go out also, naas bahay lang ako. Ever since naman simula nang magkaroon ako ng sariling pamilya, nasa bahay lang ako madalas.

“Kung darating ang lovelife, darating. Siyempre sana balang araw magkaroon din ako ng inspirasyon, pero sa ngayon ang focus ko is yung maging masaya ang mga anak ko at matutukan sila at ma-enjoy ko sila habang bata pa.

“Kasi ang bilis-bilis maglakihan ng mga bata ngayon, gigising ka na lang isang umaga, mga dalaga’t binata na. Kaya hangga’t pwede pa, lahat ng free time ko ngayon kasi I’m working na nga uli, sa kanila ko na lang igugugol. I know, iba pa rin siyempre yung may katuwang ka sa buhay, but for now, ang mga anak ko muna. Kailangang i-secure ko muna ang future nila, bago ang ibang bagay,” paliwanag ni Claudine.

Samantala, napanood namin ang pilot week ng Bakit Manipis Ang Ulap? sa ginanap na celebrity screening nito sa SM Aura cinema nitong Miyerkules ng gabi, bukod kay Claudine present din ang iba pang cast ng serye kabilang na sina Meg Imperial, Bret Jackson, Samantha Lopez at Dindi Gallardo. Hindi naman nakarating ang dalawang leading man ni Claudine sa serye na sina Cesar Montano at Diether Ocampo.

In fairness, tuwang-tuwa si Claudine dahil sinuportahan talaga ng TV5 at Viva Entertainment executives ang special screening ng kanyang pagbabalik-serye, kabilang na riyan si Boss Vic del Rosario, Manny Pangilinan at Noel Lorenzana.

Anyway, iisa lang ang komento ng press na nakapanood sa unang linggo ng Bakit Manipis Ang Ulap? – hindi pa rin nawawala ang magic ni Claudine, napakagaling pa rin niyang aktres at patutunayan niya iyan sa pilot week pa lang ng programa, lalo na sa mga eksena nila ni Diether.

Maganda ang mga twist ng kuwento ng serye, at tinitiyak namin na magugustuhan ito ng viewers dahil bukod sa may “kabitan” issue na naman na kakaiba ang atake, meron din itong tema na tiyak na tatagos sa puso ng bawat miyembro ng pamilya. Sa katunayan, nabitin kami sa pilot week, gusto naming ituluy-tuloy na ang panonood para malaman na namin ang mangyayari kapag nagkita-kita na ang mga pangunahing karakter sa istorya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na kami masyadong magkukuwento, you have to watch it sa darating na Lunes para kayo na ang humusga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending