Meat dealers nagbabala ng 5-araw na ‘pig holiday’
NAGBANTA ang mga meat dealer ng limang-araw na “pig holiday” para iprotesta ang problema sa smuggling sa bansa, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM.
Ayon sa ulat, naaalarma ang mga negosyante mula sa industriya ng karne sa talamak na smuggling na nagiging dahilan ng pagbagsak ng presyo karne.
Hindi pa naman nagtakda ng petsa ang grupo kaugnay ng “pig holiday.”
Sinabi ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones na bumagsak ang farm gate price ng karne sa P90 kada kilo ngayong buwan mula sa dating P115 kada kilo.
Idinagdag ni Briones na apektado rin ang gobyeruno sa talamak na smuggling. Noong 2015, tinatayang umabot sa P6.3 bilyon ang nawalang kita sa buwis dahil sa smuggling ng karne at manok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.