Si Greg, isang AIDS patient | Bandera

Si Greg, isang AIDS patient

Ramon Tulfo |February 09,2016
facebook
share this

Si Greg, isang AIDS patient

Ramon Tulfo - February 09, 2016 - 01:01 PM

TAWAGIN natin siyang Greg, isang dating call center agent, na humingi ng tulong sa akin upang makapagtrabaho at mabigyan ng medical assistance.

Si Greg, 34 anyos, ay isang bakla o bading.

Siya’y may full-blown AIDS o acquired immune deficiency syndrome.

Walang kumpanya na tumatanggap sa kanya.

May mga lesions si Greg na parang galis sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan; ito’y tanda ng nag-graduate na siya sa human immuno deficiency syndrome o HIV positive at napunta na ito sa AIDS.

Ang gestation period ng HIV bago maging AIDS ay siyam hanggang 10 taon kapag hindi nagagamot, ayon sa pag-aaral.

Unti-unti nang nabubulag si Greg. Hindi na niya ngayon nababasa ang mga letra sa libro.

Kailangan niya na maturukan ng injection para sa AIDS araw-araw na nagkakahalaga ng P6,000 bawa’t isang turok.

Ang kanyang dating boyfriend na naka-live-in niya ng tatlong taon ay namatay sa pneumonia noong Huwebes lamang.

Ang pneumonia ay komplikasyon na sakit sanhi ng full-blown AIDS.

Ang dating boyfriend ni Greg ay 33 anyos lang.

Umiiyak na sinabi ni Greg sa inyong lingkod na siya’y inaalipusta ng lipunan.

Kahit na ilang miyembro ng kanyang pamilya ay ayaw siyang lapitan na para siyang may ketong.

Ang ketong o leprosy ay nakakahawa; ito’y nakukuha sa pamamagitan ng skin-to-skin contact sa isang may ketong.

Hindi ganoon ang AIDS, na nakukuha lamang sa sexual contact o pagtatalik.

Ang masakit pa kay Greg, ay yung kapatid niya na pinagtapos niya ng college noong siya’y malaki pa ang suweldo bilang call center agent, ay siya pa mismo ang nagtaboy sa kanya sa kanilang tahanan.
Ani Greg, pinababayaan ang katulad niya ng gobyerno.

Kailangang alagaan ng gobyerno ang mga AIDS patients at ilagay sa isang hospital ward para sa mga AIDS patients.

Kailangang may masigasig na kampanya ng public awareness tungkol sa HIV-AIDS.

Kung hindi aalagaan ng gobyerno ang mga HIV-AIDS patients ay baka maging desperado sila at ikalat ang sakit sa pamamagitan ng unprotected sex kung kani-kanino.

Baka magkaroon tayo ng epidemic.

 

Sinabi ni Greg sa akin na nakuha niya ang AIDS sa pakikipagtalik sa mga katulad niyang gay sa call center kung saan siya noon nagtrabaho.

Nang tinanong ko siya kung sinu-sino ang mga lalaki na nakatalik niya upang maipasa ko ang kanilang identity sa Department of Health (DOH), sinabi niya na hindi na niya maalala dahil napakarami nila.

Marami raw ang mga bakla sa mga call centers.

Sabi pa ni Greg, nakikipagtalik siya sa loob ng rest room o CR sa call center kung saan siya nagtrabaho.

Minsan ay kapwa niya bakla ang kanyang nakakatalik, at minsan naman ay mga straight o lalaking-lalaki.

Minsan ay siya ang babae at sa ibang pagkakataon ay siya naman ang lalaki.

Ang paraan ng pagtatalik ay penis to anus; ibig sabihin, pinupuwit.

Tinanong ko si Greg kung sumagi sa kanyang isipan na gumamit ng condom, at ang sagot niya ay hindi.

Huli na nang malaman ni Greg na siya’y nagkaroon ng nakakamatay na sakit.

Ang AIDS kasi ay walang gamot. Tiyak ang kamatayan nito kapag ito’y full-blown na.

Paano niya nalaman na siya’y may AIDS? Nang kumonsulta siya sa doktor dahil sa hindi gumagaling ang kanyang sugat sa mata.

Sinabi sa kanya ng doktor na sumailalim ng HIV test, at doon niya nalaman na HIV positive siya.

Gusto ni Greg na maging volunteer worker siya sa DOH upang maturuan niya ang kabataan kung paano makakaiwas sa HIV-AIDS.

Gusto raw niyang maging kapaki-pakinabang siya bago siya pumanaw, ani Greg.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento, mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending