Mar magiging clone ni PNoy | Bandera

Mar magiging clone ni PNoy

Jimmy Alcantara |February 09,2016
facebook
share this

Mar magiging clone ni PNoy

Jimmy Alcantara - February 09, 2016 - 03:00 AM

MISMONG sa bibig na ni dating Interior Sec. Mar Roxas lumabas na kapag nanalo siya sa pagkapangulo sa Mayo ay magpapaimpluwensya siya kay Pangulong Aquino.

Paliwanag ni Roxas na maraming pinagdaanan si PNoy bilang pangulo kaya marami siyang matututuhan dito at mapakikinabangan daw niya ang mga advice nito.

“His experience as a president is no joke. Why would we turn our back on him? ” hirit pa niya.

Kaya alam na natin na kapag nanalo si Roxas ay asahan nang wala pa ring mapapala ang mga senior citizens dahil hindi pa rin maipapasa ang batas para sa P2,000 dagdag sa pensyon ng matatandang miyembro ng Social Security System.

Asahan na rin ang mabagal na pagresponde ng pamahalaan sakaling may dumating na bag-yong kasingmakapaminsala gaya ng Yolanda.

Huwag na ring magtaka kung magpapalusot din siya at maghahanap ng masisisi kapag may naganap na katulad ng madugong Mamasapano encounter.

Tiyak din na uunahin pa niyang makipagkuwentuhan at tsumibog habang may nagaganap na hostage-taking, parang eksena sa Luneta noong mga unang buwan ng administrasyon ng kanyang idol.

Malamang wala ring hahantungan ang Freedom of Information Bill, na nagsusulong ng pamamahala ng gobyerno na may pananagutan sa bayan at bukas sa pagsisiyasat, pag nanalo si Mar.

Siguradong veto rin ang sagot niya sa mga batas para sa mahirap tulad ng ginawang pagbasura ni PNoy sa Magna Carta for the Poor, kung saan paglalaanan ng pamahalaan ng pabahay, pagkain, trabaho, edukasyon at health care ang 25 milyong mahihirap na Pinoy.

Tiyak na todo-protekta din siya sa mga pasaway niyang tauhan gaya ng ginawang pagtatanggol ni PNoy kina Interior Undersecretary Rico Puno na inakusahan ng bribery, namayapang Land and Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres na nadiin sa pang-aarbor, Finance Secretary Cesar Purisima na napulaan sa pagsasampa ng kaso sa mga kalaban sa politika, dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chair Margarita Juico na sumabit sa mga umano’y iregularidad sa kanyang opisina, dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman Cristino Naguiat Jr. na nag-check in umano kasama ang kanyang tatlong anak at isang kasambahay sa Wynn Resorts Hotel sa Macau kung saan aabot sa $6,000 ang kada kuwarto sa isang gabi, Agriculture Secretary Proceso Alcala na nasangkot sa kartel ng bawang, dating Philippine National Police Director Alan Purisima na nadiin sa pagkamatay ng SAF44 at sa kanyang magarbong bahay sa Nueva Ecija at, higit sa lahat, kay Transportation Secretary Emilio Abaya na tinuligsa sa mga umano’y anomalya sa MRT at palpak na serbisyo nito at ang lumalang trapiko sa Metro Manila.

Boboto ka ba ng clone ni PNoy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending