Inaasahang aabot sa P99 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola nito mamayang gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 7-9-6-4-13-36 na lumabas sa bola noong Linggo.
Umabot sa P92.4 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto sa huling bola.
Nanalo naman ng tig-P34,640 ang 43 mananaya na nakalimang numero at tig-P520 ang 2,256 mananaya na nakaapat na numero.
Balik naman ang P20 taya ng 36,931 mananaya na nakatatlong numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.