Golden State Warriors ginapi ang Oklahoma City Thunder | Bandera

Golden State Warriors ginapi ang Oklahoma City Thunder

|February 08,2016
facebook
share this

Golden State Warriors ginapi ang Oklahoma City Thunder

- February 08, 2016 - 01:00 AM

OAKLAND, California — Umiskor si Stephen Curry ng 26 puntos habang si Harrison Barnes ay nagdagdag ng 19 puntos para sa Golden State Warriors na napanalunan ang ika-41 diretsong regular-season home game matapos talunin ang Oklahoma City Thunder, 116-108, sa kanilang NBA game kahapon.

Si Klay Thompson ay nag-ambag ng 18 puntos para sa Warriors (46-4) na napanalunan ang ikasiyam na diretsong laro para tapatan ang 1966-67 Philadelphia 76ers para sa best record matapos ang 50 laro.

Lumapit din ang Golden State sa tatlong laro para matapatan ang Chicago Bulls (1995-96) para sa longest home winning streak sa kasaysayan ng NBA.

Si Kevin Durant ay nagtala ng 40 puntos at 14 rebounds habang si Russell Westbrook ay nagdagdag ng 27 puntos at 12 assists para sa Thunder, na galing sa limang sunod na panalo at nagwagi ng 12 sa 13 laro.

Trail Blazers 96, Rockets 79
Sa Houston, kumana si Damian Lillard ng 21 puntos at 10 assists para pamunuan ang balanseng opensa ng Portland Trail Blazers na nagtaguyod ng malaking kalamangan tungo sa pagtala ng magaang na panalo laban sa Houston Rockets.

Pinamunuan ni James Harden ang Rockets sa ginawang 33 puntos.

Pacers 112, Pistons 104
Sa Indianapolis, kumamada si Paul George ng 30 puntos para tulungan ang Indiana Pacers na nagawang pigilan ang Detroit Pistons para itakas ang panalo.

Umiskor si George Hill ng 17 puntos habang si Myles Turner ay nag-ambag ng 16 puntos para sa Pacers.

Pinangunahan ni Reggie Jackson ang Detroit (27-25) sa ginawang 26 puntos habang si Anthony Tolliver ay nagtala ng season-high 17 puntos. Si Andre Drummond ay nagtapos na may 10 puntos at 13 rebounds para sa kanyang ika-43 na double-double sa 52 laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending