Veteran actress halos isumpa ng mga tindera sa Tiangge, walang awa kung tumawad | Bandera

Veteran actress halos isumpa ng mga tindera sa Tiangge, walang awa kung tumawad

Cristy Fermin |February 08,2016
facebook
share this

Veteran actress halos isumpa ng mga tindera sa Tiangge, walang awa kung tumawad

Cristy Fermin - February 08, 2016 - 02:00 AM

blind item female

ROUND girl ang tawag ng mga tindera sa bazaar sa isang beteranang aktres na walang ginawa kundi ang umikot nang umikot sa lahat ng tindahan-puwesto pero hindi naman bumibili ng kahit butong-pakwan lang.

Hindi siya napapagod sa katatanong kung magkano ang mga panindang nakikita niya, hawak siya nang hawak sa mga produkto, pero hindi naman siya bumibili.

Kuntodo-make-up pa ang veteran actress kapag rumoronda siya sa mga bazaar, pero nagpapagod lang siya sa kaiikot, kaya Round Girl ang tawag sa kanya.

Kuwento ng isang source na madalas makasabay ng beteranang aktres sa mga bazaar, “Bakit siya ganu’n, ikot lang naman siya nang ikot, wala naman siyang binibiling kahit ano?

“Pagod na pagod na ang kasama niyang alalay, kasi nga, ikot lang naman sila nang ikot, lakad lang sila nang lakad, walkathon lang naman pala ang idinadayo nila du’n at hindi pami-mili!” kuwento ng isang becking impormante.

Kuring naman kasi ang naturang may edad nang aktres, kahit nga sa kanilang bahay ay ikot siya nang ikot sa katitingin kung may mga bukas na ilaw sa kanilang kabahayan, mahal kuno ang kuryente kaya siya ang tagapatay ng mga ilaw.

Kuwento naman ng isa pang source, “Naku, naiinis sa kanya ang mga tindera dahil sinasayang lang ni ____ (pangalan ng veteran actress) ang panahon nila. Nakikipagtawaran siya, napakalayo naman sa puhunan ng tawad niya, talagang wala siyang planong bumili!

“Mula sa isandaan, tatawad siya nang beinte pesos? Hindi na lang niya hingin ang paninda, bakit nagpapagod pa siya sa pakikipagtawaran? Natural, kahit triplehin pa niya ang tawad niya, e, napakalayo pa rin nu’n sa puhunan, di ba?

“Bradly Guevarra, napakaganda pa naman ng bulaklak na pinagkunan ng name niya. Young na young, makulay, pero napakabarat naman ng lola mo!” pagtatapos ng tawa nang tawa naming source.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending