Kahit 18 na...Liza bawal pa ring makipaghalikan kay Enrique | Bandera

Kahit 18 na…Liza bawal pa ring makipaghalikan kay Enrique

Reggee Bonoan |February 08,2016
facebook
share this

Kahit 18 na…Liza bawal pa ring makipaghalikan kay Enrique

Reggee Bonoan - February 08, 2016 - 02:00 AM

liza soberano

Maraming um-agree kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa sinabi nitong malaki ang potensyal ng Kapamilya teen star na si Liza Soberano sa mga international beauty pageants.

Sa ganda, tindig at sa talino raw nito, si-guradong pasado raw ang dalaga. Kaya naman sa ginanap na presscon ng bagong seryeng Dolce Amore na pinagbibidahan ni Liza kasama sina Matteo Guidicelli at Enrique Gil ay talagang tinitingnan namin sa bawa’t anggulo ang batang aktres at kung paano siya kumilos, gumalaw at magsalita.

Oo nga, puwedeng-puwede talaga siya bossing Ervin. Pero nu’ng tanungin si Liza sa sinabi ni Pia ay sobrang natuwa siya at nagpasalamat, nag-tweet pa raw siya para mag-thank you kay Miss Universe.

Sabi ni Liza, “To be honest wala po ako plans to join a beauty contest pero I’m not closing any doors. Pero I mean it’s an honor to be complimented by Miss Universe herself pero ako hindi ko po nakikita ang sarili ko sa ganoong path.

Parang I’m contented na mag-artista, I like acting a lot.” Anyway, sa Dolce Amore ay gagampanan ni Liza ang karakter na si Serena na ampon ng mag-asawang Cherie Gil (Luciana) at Ruben Maria Soriquez (Roberto).

Sa Italy na sila nakatira ngunit bumalik ng Pilipinas ang dalaga para hanapin ang tunay na magulang dahil maski na lumaki siya sa marangyang buhay ay hindi pa rin siya kuntento dahil alam niya sa puso niya na may kulang.

Sabi ng batang aktres, “It’s a project I think almost everyone will be able to relate to. It’s about finding your identity and fin-ding love, and the story is just so fun and uplifting.” Si Matteo bilang si Giancarlo ay gaganap na bestfriend ni Liza sa Italy na anak mayaman din na may gusto sa dalaga, pero hindi nito masabi dahil nahihiya.

Si Tenten ay si Enrique na lumaki sa bahay ampunan at lumaking maabilidad sa buhay kaya lahat ng pagkakakitaan ay gagawin niya para mabuhay ang kinilalang pamilya. Sabi nga ni Enrique, “It’s a ‘peasant meets a princess’ kind of feel. It’s a very light teleserye, like what we all love parang sa Forevermore.”

At dahil nabanggit na nag-level up na raw ang karakter nina Liza at Enrique sa nasabing serye ay tinanong kung may kis-sing scene na sila, agad silang sumagot ng wala. Pero tiyak daw na kikiligin at mai-in love pa rin daw ang viewers tulad ng i-binigay nila sa Forevermore.

Bukas daw sa pag-eekspe-rimento sa kanilang mga karakter sina Liza at Quen pero hindi ibig sabihin ay kailangan na silang maghalikan. Napansin naming nakatingin parati si Cherie Gil kay Liza habang tumatakbo ang presscon, marahil ay pinag-aaralan niya talaga ang dalaga kaya tinanong si Liza kung ano ang feeling na si Cherie ang nanay niya sa Dolce Amore?

“Nu’ng po, sobrang ki-nabahan ako kay Ms. Cherie, we all know naman po na she’s a very, very good actress. Tapos nu’ng malaman ko na puro Italian ang scenes namin, sobrang na-intimidate ako dahil ayoko namang paulit-ulit kami dahil sa akin.

“Ayoko siyang bigyan ng hard time, so I really, really tried hard na malaman ‘yung Italian lines.
“Ako, sobrang happy po ako na makakasama ko na silang veteran actors, na sobrang dami kong matututunan sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And I’m just so excited for the show to go on and on,” nakangiting kuwento ng dalaga. Mapapanood na ang Dolce Amore sa Peb. 15, Lunes mula sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Mae Cruz-Alviar.

Kasama rin dito sina Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Frenchie Dy at Andrew E. mula sa Star Creatives.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending