Kris inspirasyon ng mga special children sa Little Nanay | Bandera

Kris inspirasyon ng mga special children sa Little Nanay

Ervin Santiago |February 08,2016
facebook
share this

Kris inspirasyon ng mga special children sa Little Nanay

Ervin Santiago - February 08, 2016 - 02:00 AM

kris bernal

TUWANG-TUWA si Kris Bernal sa mga magagandang feedback na nakukuha niya sa pagganap bilang Tinay sa Little Nanay. Ayon nga sa aktres, happy siya kasi nakaka-capture niya ang puso ng mga bata at mga nanay, and at the same time, ay para na rin niyang nire-represent ang mga special children.

Thankful si Kris sa Kapuso Network dahil ipinagkatiwala at ibinigay sa kanya ang ganitong klaseng role. Sabi pa niya, utang na loob niya sa network ang lahat ng ito at never niyang iiwan ang GMA.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Little Nanay nga-yong gabi sa GMA Telebabad, nasa mansion na ng mga Vallejo ang mga Batongbuhay. Ibibigay ni Berto (Bembol Roco) kay Don Miguel (Eddie Garcia) ang lumang wedding picture nina Lorna at Reynaldo.

Ipakikita naman ni Don Miguel sa kanila ang kuwintas ni Lorna na naholdap kay Berto at na-recover ni Don Miguel. Inis sina Helga (Sunshine Dizon) at Stanley (Paolo Contis) sa pagdating ng mga Batongbuhay.

Maliit pero kumpleto sa gamit na bahay ang ibinigay sa mga Batongbuhay pero si Tinay ay titira sa katabing mansion. Kinuha ni Vi (Gladys Reyes) ang mga lumang laruan pati ang “Tinay pillow” ni Chiechie (Chlaui Malayao).

Ang sabi niya kay Chiechie ay palilinisan/palalabhan lang ang mga ito pero ipinatapon naman talaga kay Rubia. Nakipaglaro ng taguan si Tinay sa mga Batongbuhay pero nasagi ni Tinay ang isang mamahaling vase at nabasag ito kaya masisigawan siya sa galit ni Helga.

Nakipagtaguan din si Chiechie kay Archie (Hiro Peralta) at matatastas naman niya ang kurtina kaya masisigawan din siya ni Vi. Don Miguel defends Tinay, he tells Helga na mas mahal niya ang apo kesa yong vase.

Tila nauubusan na rin ng pasensiya si Vi kay Chiechie kaya naisip niyang bigyan ito ng mother-daughter bonding at hopeful naman si Chiechie na makita si Tinay. Sa halip na dalhin kay Tinay ay dinala ni Vi si Chiechie kay Beatrice (Winwyn Marquez) kaya feeling ng bata ay niloko siya.

Happy si Don Miguel na friends na ulit sina Tinay at Sophia (Faye Alhambra). Nahanap ni Beatrice si Chiechie sa sweets/candies section ng grocery nila at somehow ay napaamo niya ito.

Dinala ni Beatrice si Chiechie sa toy store ng isang mall pero sa halip na ibili niya ng manika ay isinama niya ang bata sa make-up for children section para ayusan ito. Hindi sinasadyang doon din sa mall na yon ipinasyal nina Don Miguel si Tinay.

Naaliw si Tinay sa bubbles at nakita rin ni Chiechie ang bubbles habang inaayusan siya ni Beatrice kaya hihilahin ni Tinay si Sophia na lapitan ang pinanggagalingan ng bubbles. Magkita na kaya ang mag-ina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending