Sam espesyal na kay Pia, inimbita sa private party bago umalis ng Pinas | Bandera

Sam espesyal na kay Pia, inimbita sa private party bago umalis ng Pinas

Reggee Bonoan |February 07,2016
facebook
share this

Sam espesyal na kay Pia, inimbita sa private party bago umalis ng Pinas

Reggee Bonoan - February 07, 2016 - 02:00 AM

sam milby

KUNG hindi lang nahihiya si Sam Milby ay hindi siya dadalo sa Victory Party ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach sa Unit 27 Apartment Bar and Cafe sa Bonifacio Global City bago siya lumipad patungong San Francisco, USA kinabukasan.

Personal kasing inimbita ni Pia si Sam at sinabi pang wala siyang inimbitang ibang artista kundi ang aktor lang kaya kahit na alam ng binata na mao-OP (out of place) siya ay tumuloy pa rin siya at in fairness naman kay Miss Universe ay hindi naman daw siya iniwan nito.

Ipinakilala raw ni Pia si Sam sa mga kaibigan nitong hindi taga- showbiz at binanggit na matagal na silang magkaibigan at magkakilala at magkasama pa noon sa Star Magic.

Sabi pa ng aming source na nasa party, halatang asiwa nga si Sam kaya talagang pina-feel ni Pia na maging kumportable ang aktor. Hanggang sa pag-blow nga ng candle ni Pia ay nahagip ng kamera si Sam dahil hindi lumalayo si Pia sa kanya.

Patunay dito ang ipinost ni Pia sa kanyang Instagram account na, “That photobomber looks familiar, had a lot of fun during my victory party last weekend in Manila!”

Tsika pa ng kakilala naming nasa party ay hindi niya sigurado kung may usapan sina Pia at Sam na magkikita sa Amerika ngayong Marso kung saan magkakaroon ng “Heartthrobs” tour sina Sam at Piolo Pascual with Pokwang sa Pechanga Resort and Casino, California, USA.

Hmmmm, malayo ang venue ng show nina Sam at Piolo sa New York City kung saan naka-base si Pia ‘no, unless personal na lumipad ang aktor doon para magkita sila.

Pero mukhang malabo dahil limitado ang oras ng dalawang aktor dahil may taping pa sila para sa seryeng Written In Our Stars at may Doble Kara pa si Sam na umeere ngayon kasama si Julia Montes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending