Michael ayaw munang magka-lovelife | Bandera

Michael ayaw munang magka-lovelife

Jobert Sucaldito |February 06,2016
facebook
share this

Michael ayaw munang magka-lovelife

Jobert Sucaldito - February 06, 2016 - 02:00 AM

michael pangilinan

Ngayong araw ay sasamahan ko ang baby nating si Michael Pangilinan sa dalawang events niya sa Bacolod City. Excited ako dahil magkikita kami ng ilang non-showbiz friends nating sina Bobby Benedicto, Kyle Dalton, and others.

Siyempre, proud na proud pa naman sila sa Harana Prince nating si Michael dahil naging anak-anakan din nila ito. Everytime na pumupunta kami ni Michael sa Bacolod, aside from Token Lizares and Leilani Alba ng ABS-CBN ay kasama namin ang mga ito sa aming pagkakape at pamamasyal doon.

“Di ba merong pinagdalhang kainan ng batchoy si Tito Bobby sa atin sa Bacolod? Sa palengke iyon, di ba?” tanong ni Michael na balak yatang puntahan. Yes, sa may Central Market iyon. Masarap ang pandesal doon. Iyon ang in-order namin kasi ni Bobby for Michael – batchoy with pandesal.

Don’t worry, pag meron kaming breaktime later, dadalhin si Michael doon. Good luck nga lang dahil baka pagkaguluhan. Hay naku! Ang unang event ni Michael sa Bacolod ay para sa ABS-CBN Regional in the afternoon and the one in the evening ay for the benefit of some patients na tinutulungan nina kaibigang Token Lizares and Leilani Alba.

Makakasama rin nila sa charity show sa gabi ang magaling na si Angel ng grupong Misstres. Bukas ng umaga ay balik agad kami ng Manila dahil meron pang three commitments si Michael, birthday event ni Mama Lily Chua sa Greenhills sa tanghali, mall show sa Montalban Town Center at 4 p.m. and birthday celebration naman ng mahal naming tourism director ng Guiguinto, Bulacan na si Tito Rene Villanueva.

Marami ang nagtatanong sa kalagayan ng puso ng Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala. Kasi nga Valentine season na – LOVE MONTH kumbaga. Meron na raw bang nagpapatibok ng puso niya sa ngayon? “Date-date lang. No commitments muna.

Mahirap dahil sobrang busy sa work. Unfair naman sa magiging girlfriend ko kung makikipagrelasyon ako ngayon dahil hindi ko rin siya mabibigyan ng oras. Maybe soon. Focus muna tayo sa career,” ani Michael na parang meron ngang dini-date exclusively.

Naku ha. Tigilan muna ang mga babae at mag-concentrate sa career. Okay lang yung date-date pero wala munang seryosohan ha. Mahirap na’t baka madagdagan pa ang problema natin. Kukurutin na talaga kita sa ngala-ngala. Hmp! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending