Biritan showdown ng mga Manileño sa ‘Tinig Ng Maynila’ | Bandera

Biritan showdown ng mga Manileño sa ‘Tinig Ng Maynila’

Ervin Santiago |February 06,2016
facebook
share this

Biritan showdown ng mga Manileño sa ‘Tinig Ng Maynila’

Ervin Santiago - February 06, 2016 - 02:00 AM

eugene

Tumataginting na kalahating milyong piso at management contact mula sa VIVA ang iuuwi sa tatanghaling grand winner ng kauna-unahang “Tinig Ng Maynila”, isang singing contest na proyekto ng Manila City Hall sa ilalim ng Sulong Manila Program ni Manila Mayor Joseph Estrada ka-partner ang VIVA Live.

Noong Nob. 21, 2015 naganap ang audition kung saan naglaban-laban ang mga kalahok na mula sa iba’t ibang distrito ng Maynila upang makasama sa semi-finals na naganap naman noong Jan. 30 at 31 sa Dragon 8 Mall, Lucky Chinatown at Robinsons Place Manila.

Mula roon ay dalawang kalahok bawat distrito ang napili para umakyat sa grand finals. Ang mga maglalaban-laban sa “Tinig Ng Maynila” ay sina Eugene Mae Santos, 16, ng Barangay 42, at Francesca Lapada, 20, ng Barangay 4 pareho mula sa District I.

Pambato naman ng District II sina Joanna Rose Alvarez, 24, ng Barangay 159 at Justine Jose, 13, ng Barangay 214. Ready na rin ang contenders ng District III na sina Ma. Jinky Lourdes Banzon, 27, ng Barangay 360 at Ma. Krissan Manikan, 25, ng Barangay 357.

Sina Larnie Rose Cayabyab, 19, ng Barangay 529 at Rochelle Jeanne Solquillo, 17, ng Barangay 439 ang magrerepresenta sa District IV. Bibida naman sina Alisah Nina Luz Bonaobra, 20, ng Barangay 815 at Jhastine Genebe, 17, ng Barangay 649 para sa District V.

At sina Alyssa Patricia Hernandez, 18, ng Barangay 896 at Roan Isaac Hemor, 13, ng Barangay 898 ang para naman sa District VI. Ipinakilala ang mga kalahok kamakailan sa ilang opisyal ng Maynila at sa entertainment media sa ginanap na press presentation sa Manila City Hall na pinangunahan nga ni Mayor Erap kasama ang kanyang anak na si Jackie Ejercito.

Sa ngayon ay hinahanda na ang araw at lugar kung saan nila ipapakita ang kanilang talento upang matawag na “Tining ng Maynila” grand winner. Ayon kay Jackie, “Gusto naming maka-produce ng singing superstar mula sa Maynila.

Kasi naniniwala kami sa mga Manileño na grabe ang talent! Like Sarah Geronimo is also from Manila, ‘di ba?” Ang finals ay eere sa TV5 via delayed telecast. Bukod naman sa makukuha ng grand champion magkakamit naman ang first placer ng P300,000 at ang second placer ng P200,000.

Official partner sa bonggang event na ito ng Maynila ang PBO, Viva TV at TMC habang official venue partners ang Dragon 8 Shopping Center, Lucky Chinatown at Robinson Place Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending