Kabahayan sinalpok ng tanker; 5 patay | Bandera

Kabahayan sinalpok ng tanker; 5 patay

John Roson |January 31,2016
facebook
share this

Kabahayan sinalpok ng tanker; 5 patay

John Roson - January 31, 2016 - 04:48 PM

samar
Di bababa sa lima katao, kabilang ang isang sanggol na babae, ang nasawi habang isang lalaki ang nasugatan nang sumalpok at magdulot ng sunog ang fuel tanker sa isang grupo ng mga bahay sa Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ang construction worker na si Michael Buenavides, 20; misis niyang si Maryjoy, 18; at 6-buwan nilang anak na si Angela, sabi ni Chief Insp. Maria Bella Rentuaya, public information officer ng Eastern Visayas regional police.

Nasawi ang tatlo nang sumabog at magdulot ng sunog ang tanker sa tatlong bahay, sabi ni Rentuaya sa isang text message.

Nasawi din sa sunog ang driver at pahinante ng trak, na kapwa di pa makilala, aniya.

Nasunog naman ang mga bahay nina Gaudencia Tablan, Romy Balondo, at magsasakang si Arman Balondo, na nagtamo ng pinsala, ani Rentuaya.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Lale, at naiulat sa lokal na pulisya dakong alas-2.

Bimibiyahe pa-hilaga ang fuel tanker nang bigla itong mag-swerve sa gilid ng kalsada, kung saan nito nasalpok ang tatlong bahay, sumabog, at nagdulot ng sunog, ani Rentuaya, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa regional police.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver habang nagmamaniobra sa isang pababa at pa-kurbang bahagi ng kalsada, aniya.

Naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Pinabacdao ang sunog dakong alas-5.

Habang isinusulat ang istoryang ito’y nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang lokal na pulisya para matiyak ang sanhi ng insidenteng kinasangkutan ng tanker, ani Rentuaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending