KUMPIRMADONG naospitall si Kris Aquino matapos siyang ma-allergy sa ginamit niyang fur sa isang pictorial.
Habang sinusulat namin ang item na ito, inoobserbahan pa raw ang kundisyon ng TV host-actress.
Ito ang naging dahilan kung bakit biglang na-pack-up ang shooting ng pelikula nilang “Sisterakas” noong Linggo at Lunes.
Dapat sana ay may set visit ang ilang members ng press sa shooting ng “Sisterakas” pero hindi na nga ito natuloy dahil sa nangyari kay Kris.
Naloloka nga raw ang buong team ni direk Wenn Deramas dahil tiyak daw na masisira ang kanilang schedule.
Sa ginanap na presscon ng “Sisterakas” kasama sina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda ay nabanggit ni direk Wenn na last shooting day na sana nila ngayon.
Pero baka magdagag pa sila ng isa pang shooting day para sa natitira pang mga eksena ni Kris na hindi pa nakukunan.
Tinext kami ng personal assistant ni Kris na si Alvin Cagui, sinabihan daw ng doktor si Kris na kailangan niya ng total bed rest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.