Roderick Paulate sa pagsibak sa kanya ng Ombudsman: Media OA | Bandera

Roderick Paulate sa pagsibak sa kanya ng Ombudsman: Media OA

- January 24, 2016 - 11:53 AM

MARIING pinabulaanan ng aktor at ngayon ay Quezon City councilor Roderick Paulate ang paratang na corruption laban sa kanya dahilan para sibakin siya sa pwesto ng Ombudsman kaugnay sa ghost employees na pasok sa payroll ng konseho.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Paulate na nalulungkot diumano siya sa naging desisyon ng Ombudsman at sa mga balita na lumabas hinggil dito ay pawang “exaggerated”.

“Nakakalungkot nga kasi minsan oa (over-acting) ang news. Hindi naman ito malaki sobrang pinalaki lang ng mga nasa likod nito ang kasinungalingang ito,” say ng dating aktor.

“Sad to say, maraming humusga na kahit di nila naiintindihan ang nangyayari sa akin. Tinaon nila sa election period na. Basta truth will prevail. God is just! He knows the truth,” hirit pa nito.

Noong isang linggo, iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsibak kay Paulate matapos mahatulang guilty kasama si Quezon City Representative Francisco Calalay sa administrative offense na falsification of documents, serious dishonesty at grave misconduct dahil sa pagsasama ng “ghost employees”.

Dahil dito, hindi na sila maaaring humawak pa ng ibang posisyon sa gobyerno, at hindi maaaring tumanggap ng kanilang retirement benefits.

Ayon sa Ombudsman merong 30 ghost employees si Paulate mula noong Hulyo hanggang Nobyembre 2010 na tumanggap diumano ng P2,500 hanggang P5,000 na sweldo kada buwan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending