Jiro magaling na, malapit nang lumabas sa rehab | Bandera

Jiro magaling na, malapit nang lumabas sa rehab

Ervin Santiago - January 16, 2016 - 02:00 AM

jiro mayo

ANUMANG araw mula ngayon ay inaasahang lalabas na sa rehab ang dating child star na si Jiro Manio matapos ang ilang buwang pananatili sa loob.

Mismong ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang nagbalita nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ayon sa komedyana, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sa pagbuti ng kundisyon ni Jiro.

Ipinost pa ni Ai Ai ang (screen grab) palitan nila ng text message ni Jiro kung saan pinakiusapan ng Kapuso TV host-comedian ang anak-anakan na huwag nang babalik sa dati niyang bisyo at ipagpatuloy na ang pagbabago.

Payo ni Ai Ai kay Jiro, “Nak sana pag labas mo dyan ipangako mo na hindi ka na magda drugs at magsisipag ka nang magtrabaho dahil matanda na din ako di na ko bata nak.

Pag nawala na ako paano ka? Kaya sana anak pls pls mangako na kay GOD na aayos ka na!”Na sinagot naman ng dating aktor na, “Opo nagbago na po ako alam po ni doctora arcena kaya nga po sya nagsabi anytime pwd na po ako lumabas.

Salamat po mama Ai, ait ko po na sundin nyo ako excited na din po ako lumabas.” Kung matatandaan, nakitang palaboy-laboy si Jiro sa NAIA Terminal 3 noong June 30 na tila nawawala sa sarili. Gusto raw kasi nitong pumunta ng Japan para makita ang kanyang tatay.

Isa naman si Ai Ai sa mga tumulong kay Jiro na itinuring na rin niyang anak dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa pelikula. Nangako ang komedyana na tutulungan niya ang dating child actor na makabawi at maisaayos ang buhay hangga’t kaya niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending