Tapos na ang misyon...natutulog na ngayon ang Master Showman!’ | Bandera

Tapos na ang misyon…natutulog na ngayon ang Master Showman!’

Cristy Fermin - January 15, 2016 - 03:00 AM

GERMAN MORENO

GERMAN MORENO

ITO ang umagang pinakamahirap sa mga naiiwan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang umagang meron silang hinahanap, meron silang nami-miss, hanggang du’n na lang dahil hindi na babalik ang pumanaw para muli nilang makasama.

Siguradong ganito ang pinagdadaanan ngayon ni Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ni Kuya Germs, ito rin ang nararamdaman ngayon ng pinakamalapit niyang pamangkin na si John Nite.

“Itong suit na suot niya sa burol, ginamit ko ito sa ‘Bituing Walang Ningning’. He literally died in my lap,” kuwento ni John Nite habang hinahagod nang masuyo ang kabaong ng mahal nitong tiyuhin.

Tama ang komento ni Federico, “Paano mo makakalimutan ang taong nagbigay ng buhay sa iyo? Araw-araw, tumatawag siya, ‘Kumusta na kayo? Ang mga bata, kumusta sila?’

“Ang hindi ko pa alam, e, kung paano ko haharapin ang pagkawala ni papa. I have my wife and kids, they can comfort me, pero iba pa rin ang kumpleto kayo,” komento ng anak ni German Moreno.

At siguradong kapareho lang ng kanilang emosyon ang nararamdaman ngayon ng mga artistang natulungan ni Kuya Germs, lalo na ang mga kabataang palagi niyang kasama sa panghatinggabi niyang programa, maraming hindi makakalimot kay German Moreno.

Pero tapos na ang kanyang misyon sa mundo, ang tagapagdiskubre at tagapagpalaganap ng mga tagong talento ng mga kabataan, hindi siya nagdamot kahit kanino.

Natutulog na ngayon ang Master Showman sa bisig ng ating Panginoon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending