MAGANDANG araw sa inyo. Sanay datnan kayo ng sulat kong ito na nasa mabuti kayong kalagayan, sa awa at tulong ng Maykapal. Nagkita po kami ng pinsan ko sa isang klinika at nasabi niya na nakakuha siya ng benefits, ang mga old time pensioners ay nakakuha ng benefits. Hindi naman po magkalayo ang gulang namin, 79 years old na po ako at 19 years na akong nagpe-pension . P2,000 ang pension ko.
Wala akong asawa, matandang dalaga na po at nakatira lang po ako sa kapitbahay namin. Ako po ay nagmamakaawa na tulungan ninyo ako. Salamat po at God bless you.
Lubos na
gumagalang,
FLORENCIA S. RAMOS
Maligaya St.
Sto. domingo
Mexico, Pampanga
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms Ramos, base sa aming record, noon pang 1999 ay naipasok na sa inyong ATM ang adjustment. At ikinalulungkot namin na wala ng benepisyo na maaaring matanggap maliban sa kasalukuyang pension na inyong natatanggap.
Kaiba naman ang
inyong kaso sa pinsan mo na posibleng hindi pa nakakuha ng kanyang adjustment,
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs Department
Social Security System (SSS)
(Editor: Meron pong panukalang batas na P2,000 additional pension para sa mga pensioner ng SSS ang naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Aquino. Hangga’t hindi ito ibini-veto ng pangulo, posibleng maging ganap na batas ito sa mga susunod na araw.)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.