Veloso kasama na sa susunod na bibitayin sa Indonesia Bandera

Veloso kasama na sa susunod na bibitayin sa Indonesia

|January 05,2016
share this

Veloso kasama na sa susunod na bibitayin sa Indonesia

| January 05,2016 - 03:00 PM

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso


SINABI ng National Narcotic Agency (BNN) na tinatayang 55 sangkot sa droga ang nasintensiyahan ng bitay, kung saan 14 ang naghihintay na ng firing squad, kabilang si Mary Jane Veloso.

Nakatakda sanang bitayin noong Abril 26, 2015 si Veloso bagamat ipinagpaliban ito matapos namang sumuko ang sinasabing recruiter ni Veloso.

Sinabi ng Attorney General’s Office (AGO) ng Indonesia na kasama na si Veloso sa susunod na mga bibitayin matapos namang bigyang daan ang ligal na prosesos sa Pilipinas.

Ipinagpaliban ang mga pagbitay sa harap naman ng paghina ng ekonomiya ng Indonesia, ayon kay Attorney General M. Prasetyo.

“We collect the data [on drug convicts] from the Indonesian Attorney General’s Office [AGO], the Custom and Excise Office, the Immigration Agency as well as from the Foreign Ministry,” sabi ni BNN spokesperson Slamet Pribadi sa panayam ng The Jakarta Post noong Lunes.

Hindi naman ibinigay ng ahensiya ang detalye o mga pangalan ng mga bibitayin.
Noong isang taon, 14 na sangkot sa droga ang binitay ng Indonesia, kasama na ang dalawang Australian, na parte ng tinatawag na Bali Nine group, na sina Myuran Sukumaran at Andrew Chan. Binitay ang dalawa noong Abril.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending