WILLIE: Isigaw n’yo nga, ‘WOW-WOW WILLIE!’ | Bandera

WILLIE: Isigaw n’yo nga, ‘WOW-WOW WILLIE!’

- November 27, 2012 - 03:42 PM

Mukhang nagkakaroon na ng linaw at hugis ang mga pahayag na ginagawa ngayon ni Willie Revillame sa kanyang programang Wil Time, Bigtime ng TV5.

Binulabog ni Willie ang loob at labas ng showbiz nang sabihin niya sa himpapawid na hanggang sa January 5 ng susunod na taon na lang ang kanyang show.

Nitong mga nakararaang araw ay madalas niyang tanungin ang studio audience, “Sasama ba kayo sa akin sa paglipat ko?

Kung saan ba ako nandu’n, susunod din kayo?”

Natural, isang napakalakas na oo ang sigaw ng kanyang mga tagahanga, pero ang iba naman ay nalulungkot, bakit daw kailangang umalis sa show si Willie?

Mula nu’n ay kung ano-ano nang haka-haka ang naglutangan, may nagpakalat ng kuwento na babalik na raw siya sa ABS-CBN, pinagsamantalahan naman ng mga taga-Dos ang pagkakataon para sabihing kailanman ay hindi na makababalik pa sa nasabing network si Willie.

Sa totoo lang, kahit sa kanyang hinagap lang ay hindi naiisip ni Willie ang pagbabalik sa ABS-CBN, nagkasakitan na sila nang husto ng istasyon, kaya imposibleng maisip niyang bumalik pa uli sa network na kanyang pinanggalingan.Pero ngayon ay meron nang nabubuong ideya sa isip ng ating mga kababayang tumututok kay Willie.

Hindi nga siya lilipat ng istasyon, sa TV5 pa rin siya mapapanood dahil may isang taong kontrata pa siyang kailangang kumpletohin sa network, pero mukhang lilipat siya ng oras at magpapalit din ng titulo ang kanyang programa.

Ang tanong kasi ni Willie nu’ng nakaraang Sabado, “Kung lilipat ba ako ng ibang oras, makakasama ko pa rin kayo?

Isigaw n’yo nga, ‘Wow-wow! Wow-wow! Wow-wow Willie!’ Salamat po sa inyong suporta!”

Mukhang may malaking pagbabagong ipanganganak sa birthday month ni Willie, mukhang mula sa panahon ng hapunan ay sa ibang oras na siya matutunghayan, ‘yun ang kailangan nating abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending