Sylvia natatakot kapag nasa mall si Arjo | Bandera

Sylvia natatakot kapag nasa mall si Arjo

Reggee Bonoan |December 31,2015
facebook
share this

Sylvia natatakot kapag nasa mall si Arjo

Reggee Bonoan - December 31, 2015 - 02:00 AM

sylvia sanchez

BAGAMA’T dalawang araw lang ang taping ng Maalaala Mo Kaya ay talagang ginawan ng paraan ni Arjo Atayde at ng production ng Star TV kasama ang FPJ’s Ang Probinsiyano team na matuloy ang pagbibida niya para sa opening salvo ng drama anthology ni Charo Santos-Concio sa Jan. 2.

Nag-post si Arjo kamakailan sa kanyang Facebook account ng “Dream come true.” Na-curious kami kung ano ang tinutukoy ng aktor kaya tinext namin siya pero hindi niya kami sinagot kaya ang nanay niyang si Sylvia Sanchez ang kinausap namin.

Nabanggit nga ng aktres na tuwang-tuwa ang panganay niya dahil ang inaasam-asam niyang papel na gustong gampanan ay finally naibigay na sa kanya. Gaganap na psycho si Arjo sa episode ng MMK sa darating na Sabado kasama sina Dominic Ochoa at Assunta de Rossi.

Kuwento ni Ibyang, “Sobrang excited siya nang malaman ang role niya, pero at the same time, panay ang text niya na, ‘Ma, natatakot ako, baka hindi ko kayang gampanan.’  “Sabi ko naman, ‘Kaya mo ‘yan, ganyan din sinasabi mo sa akin sa Probinsiyano na baka hindi mo kayang gumanap na kontrabida.’

“E, nakaya naman niya, kung ako nga mismong nanay gigil na gigil sa kasamaan niya sa Probinsiyano, ‘no!” natatawang sabi ni Sylvia. Umalis na ang pamilya Atayde habang tinitipa namin ang balitang ito patungong Dubai para roon mag-ce-lebrate ng Bagong Taon.

Kaya hindi na namin nakausap si Arjo dahil nasa ta-ping pa raw at uuwi lang para maligo at sabay lipad na. Samantala, kapag kontrabida ang ginagampanan sa isang programa ay maraming fans ang nagagalit kapag nakikita sa mall o sa pampublikong lugar, pero si Arjo raw ay hindi naman nakitaan ng ganitong eksena.

Kuwento pa ng proud mom ni Arjo, “Kapag nasa mall siya, minamasdan ko nga, baka kako may mang-away sa kanya kasi nga di ba, love ng lahat si Coco Martin, baka biglang may sumuntok sa anak ko.

“Awa ng Diyos, maraming bumabati, kumakamay at nagpapa-picture, isip ko nga, hindi na tulad nu’ng araw na talagang bayolente ang fans. Ang tawag sa kanya ng mga tao ngayon Joaquin na,” masayang kuwento ni Sylvia sa amin sa kabilang linya.

Nabanggit din ni Ibyang na rati’y one of those lang si Arjo sa mall shows, ngayon daw ay nakakayanan na nitong mag-isa. “Puro Mindanao at Visayas ‘yung pinupuntahan ni Arjo, sabi sa akin ng marketing staff, sobrang dami raw ng tao at talagang tumaas ang sales ng Hammerhead nu’ng kinuha nila si Arjo, nakakatuwa di ba, Reggs?

“Tapos magkakaroon na rin siya ng billboard sa NLEX at SLEX, tapos may billboards din sa mga bus, kaya natutuwa ako sa anak ko,” masayang kuwento ng ina ng aktor. At tungkol naman kay Ibyang ay ilang beses pala nitong pina-rebook ang flight nilang pamilya patungong Dubai na dapat sana ay noon pang Dec. 25 pero hindi raw siya pinayagan ng production ng seryeng Ningning.

“Naghahabol kasi kami alam mo namang mouth to mouth kami, hindi hand to mouth. Kaya nakatatlong rebook kami, finally matutuloy na. “Isipin mo, alis kami 29, maghapon at magdamag ka-ming may taping ng Ningning, all star cast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tapos ang flight namin 11 a.m. ng 29? Hindi pa ako nakakapag-empake at wala pa akong tulog. “Pare-pareho kaming tatlo nina Arjo at Ria (Atayde, isa pa niyang anak na nag-aartista na rin) na walang tulog kaya sa biyahe, tulog kami tiyak. Ha-hahaha!” masayang tinig ni Ibyang sa kabilang linya.

At pagbalik daw ng mag-anak sa Jan. 5 ay sa kani-kanilang taping na sila didiretso at mga gamit na lang nila ang iuuwi sa kanilang bahay.“Wala, eh, kailangang dumiretso sa taping, si Arjo rin kailangan kaya sakripisyo talaga which is good kasi blessings ito, hindi dapat umangal dahil maraming walang trabaho,” kuwento ni Ibyang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending