PINATUNAYAN muli ng tambalan nina Kim Chiu-Xian Lim at Enchong Dee-Maja Salvador na tanggap na tanggap sila ng viewers sa primetime teleserye nilang Ina Kapatid Anak sa ABS-CBN.
In fairness, talagang sumugod ang mga taga-Subic nang magtungo sila roon para sa grand launch ng “Ina Kapatid Anak: The Official Soundtrack”, ito’y ginanap sa Harbor Point, Subic.
Umabot ng 10,000 katao ang dumagsa at nakisaya kina Kim, Xian, Enchong at Maja na pawang may mga inihandang production number para sa lahat.
Personal ding pinasalamatan ng mga bida ng Ina Kapatid Anak ang fans sa gabi-gabing mainit na pagsuporta sa kanilang serye.
Patuloy na tutukan ang mas mga umiigting na tagpo sa kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan sa Ina Kapatid Anak, gabi-gabi, pagkatapos ng Princess And I sa Primetime Bida.
Anyway, mukhang may inililihim na ngang relasyon sina Kim at Xian.
May nakapagbulong sa amin na sinagot na raw ni Kim si Xian, pero bawal pa raw aminin. Kaya wait na lang tayo kung kailan aamin ang dalawa sa kanilang lihim na relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.