SC naglabas ng TRO kaugnay ng disqualification vs Poe
NAGLABAS ng dalawang temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay ng pagkakadiskwalipika ni Sen. Grace Poe sa 2016 presidential race.
Sa ipinalabas na kautusan ng Kataastaasang Hukuman, binigyan din nito ng 10 araw ang Commission on Elections (Comelec) na magkomento sa naging petisyon ni Poe.
Itinakda naman ng poll body sa Enero 19, 2016 ang oral argument sa pagdinig ng mga inihaing petisyon ng kampo ni Poe.
Mangangahulugan ito na nasa listahan pa rin si Poe sa mga opisyal na kandidato ng Comelec para sa 2016 presidential polls.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending