Isang masayang pasko ang nasuwertehan ng mananaya sa Batangas City na nanalo ng P25.2 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, iisa lamang ang nakakuha ng mga numerong 2-12-34-4-43-20 sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Ang kanyang tinayaan ay lucky pick batay sa lotto machine na maaaring makapagberepika sa nanalong tiket.
Nanalo naman ng tig-P50,000 ang 15 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P780 naman ang 925 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 18,858 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
