Bonguyan pang-Kongreso na nga ba?
Nina Frederick Nasiad, Leifbilly Begas
“MAHIRAP magpahinga.”
Ito ang binitiwang salita ni dating Davao City Vice Mayor Luis Bonguyan na ngayon ay nagbabalik sa mundo ng politika matapos ang limang taong pansamantalang pamamahinga.
Sasabak si Bonguyan bilang kinatawan sa Kongreso.
Makakatunggali niya ang reelectionist na si Karlo Alexei bilang kinatawan ng unang distrito ng syudad.
Bagamat may adbantahe ang sinumang incumbent na tumatakbo sa pagka-reelectionist, naniniwala si Bonguyan na magiging maganda ang kanyang laban kontra sa nakaupo.
Hirit ni Bonguyan sa Inquirer Bandera nang makapanayam nito kamakailan na nakikita niyang siya ang mananaig sa darating na halalan dahil sa “wala akong record na masama in my entire years of government service.”
Mas kilala ko ang mga taga-Davao
Alam umano ni Bonguyan ang problema ng kanyang mga kababayan dahil “I grew up in one of the biggest barangays in Davao City in Matina Aplaya.
Balwarte ko yan e. Ako, I am a product of a government school.
Dyan ako nag-aral sa Matina Crossing. Alam ko kung ano ang kailangan ng mga tao.”
Nagsilbi bilang bise alkalde ng Davao City ng Bonguyan sa loob ng 12 taon si Bonguyan bago nagdesisyon na magpahinga muna noong 2007.
Bago ito ay nagsilbi rin bilang konsehal ang dating bise alkalde.
Dahil sa nararamdaman anya na hindi sapat ang ginawa niyang pagsisilbi sa mga kabababayan kung kayat ninais niyang magbalik muli, at ngayon hindi bilang kabahagi ng executive branch kundi ng legislative.
“I retired as Vice Mayor of Davao City in 2007 and I feel that I can still serve the people.
Medyo bitin pa ng kaunti yung 12 years ko as Vice Mayor and four years as Councilor, and this is one opportunity for me,” ani Bonguyan.
Hugpong sa Tawong Lungsod
Sumama si Bonguyan sa Vice Mayor Rodrigo Duterte ng Hugpong sa Tawong Lungsod.
Bagama’t hindi abugado, hindi na umano siya bago sa paggawa ng batas dahil katulad ito ng kanyang naging trabaho noong siya ay bise alkalde pa at konsehal.
“As Vice Mayor, hawak mo ang 26 Councilors in Davao City.
And each councilor has his own committee. So kung ikaw ang Vice Mayor, you see to it that all committees are working.
And it’s not easy dahil different people yan e.
So kailangan magaling ka makisama para talagang makuha mo ang cooperation nila.
And most of the work naman dito ay legislation, mga resolutions, so magagamit ko ang mga experience na yan sa Congress,” paliwanag ng dating bise alkalde.
Proud city dad
Kabilang sa mga naaprubahang ordinansa sa panunungkulan ni Bonguyan ang anti-smoking, firecrackers ban, at children welfare code.
Sinabi ni Bonguyan na mas maraming proyektong maipatutupad sa lungsod kung “magkasama ang Mayor at ang Congressman” dahil sa kasalukuyan ay “laging walang cooperation ang first district.
Walang tulungan e.”
Si Duterte at ang ama ni Nograles na si dating House Speaker Prospero Nograles ay kilala sa syudad na magkalaban sa pulitika.
LRT sa Davao City
Kung mananalo, isusulong ni Bonguyan na magkaroon ng Light Rail Transit sa lungsod lalo at “sobra nang traffic sa Davao City, malaking bagay ito kapag natuloy because it is a cheaper and faster means of transportation.”
Hindi rin naman anya isang kawalan ang hindi niya pagiging abogado kahit pa sa Kongreso ang target niyang puwesto sa darating na halalan.
Paliwanag ni Bonguyan, ang pagiging isang Certified Public Accountant na may kaakibat na masters degree sa economics, nakatitiyak anya siyang malaki ang maitutulong niya sa pagsusulong ng mga batas na higit pang magpapalakas o magpapatibay ng ekonomiya di lamang ng Davao City kundi ng bansa sa kabuuan.
“I’m a Certified Public Accountant, I have a Masters degree and at the same time, a businessman so with regards to economic affairs and taxation, malaki ang maitutulong natin sa gobyerno.”
Hindi rin umano dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng mga kamag-anak sa pulitika sa pagtulong sa bayan.
Dynasty not a problem
“Sa akin kasi, if the city is well managed or well run, hindi mahaga kung sino ang mga naka-upo e.
Si Mayor (Sarah Duterte) at Vice Mayor Duterte ay magkamag-anak pero hindi naman nila pinabayaan ang city.
Maayos pa rin ang ekonomiya, ang peace and order… lahat.
And I think the business community have confidence in the leadership of the Dutertes.
Nakita mo naman, ang dami nang malls sa Davao City.
There’s SM, Ayala na nag-iinvest dito.
Ang masama nito kung nag-aabuso ang mga ito. Ibang usapan na yan.”
Ang anak ni Bonguyan na si John Louie at kanyang pamagkin na si Joan ay nasa city council na tatakbo ring muli sa darating na halalan.
Mga hirit ni Luis Bonguyan
NAKAPANAYAM ng Bandera si Luis Bonguyan kamakailan at narito ang kanyang pusisyon tungkol sa mga maiinit na isyu sa bansa.
Bandera: Kilala ang Davao City sa magandang peace and order situation.
Aside from the peace and order situation here, ano pa ang puwedeng maipagmamalaki ng Davao City sa ibang local government units?
The 911. We have a very efficient emergency response team. In 10 minutes time, they can arrive at the scene because they are placed in strategic locations all over the city.
And the personnel are trained well tapos kumpleto na ang equipment para mabigyan ng first aid ang mga victims until they are brought to the hospitals.
B: What is your stand on mining?
I am in favor of responsible mining.
The problem is, sa ating country today, even the big mining companies are not really responsible.
Nakita naman natin na kahit may mga batas na tayo, marami pa ring problema.
I think the government should be vigilant.
Dapat we have to follow kung ano ang dapat gawin para sa mining industry at sa kalikasan na rin.
You know, mining is a very important industry.
One way that we can grow economically and progress is through mining, Marami tayong natural resources.
Of course, may mga risk but we have to be very responsible.
We have to follow rules and make sure na hindi makasira ito sa ating environment.
B: Illegal logging?
Ako, I am for total log ban.
You know I used to work before in a logging company kaya nakita ko ang effects ng logging lalo na diyan sa Marilog.
But that was a long time ago.
That was my first employment.
And until now, we are paying the price.
Grabe talaga ang destruction.
Para kasing walang responsibility itong mga loggers.
Pagputol, wala na, di na napapalitan.
Tama si Presidente Aquino na total log ban talaga.
Subukan naman natin, 20-30 years, makikita natin ang changes.
The government also should be vigilant dahil marami pa ring illegal logging diyan sa Oriental, Agusan, ComVal. Hindi ito makakalusot kung walang connivance with some officials diyan sa DENR.
Makikita mo kasi e. May log ban sa atin pero marami ka pa ring nakikitang troso. Paano nangyari yan?
B: What’s your stand on the sin tax bill?
Ako naman, I am in favor of the sin tax bill.
Number one, the government needs more funds to finance our health care programs.
I think ang purpose talaga nitong sin tax is to support the health care programs.
The target talaga of the government is to generate at least P60 billion but it was reduced yata to just P15 billion.
Masyado namang mababa yan.
Puwede naman sigurong mag-compromise basta wag lang sobrang baba ng target.
B: Political dynasty?
Kung talagang magkakaroon ng batas against political dynasty, we have to abide.
Pero as of now, yung anak ko (John Louie) at pamangkin (Joan) ay nasa Council.
Sa akin kasi, if the city is well managed or well run, hindi mahalaga kung sino ang mga naka-upo e.
Yung mga Duterte magkamag-anak pero hindi naman nila pinabayaan ang city.
Maayos pa rin ang ekonomiya, ang peace and order… lahat.
Ang masama nito kung nag-aabuso ang mga ito. Ibang usapan na yan.
B: Kung mahalal ka sa Kongreso, will you push for charter change?
Depende, no. Honestly, I haven’t really studied this matter now.
But there are changes that I want, like in the Senatorial lineup.
Gusto ko sana na ang pagpili for Senators ay by region para all regions are represented.
Like Mindanao, ngayon, ilan lang ba ang mga Senators na taga-Mindanao? Dalawa.
Kung regionalized ang pagpili ng senators, e di may boses tayo sa Senado.
Also yung term ng local officials, too short ang three years.
Gawin nating five years with only one reelection.
Ngayon kasi three years and three terms.
Why not make it five years and two terms.
Then after that, wala na, he cannot run again, ever.
Let’s give chance to others.
B: How about the framework agreement?
Ako, I am in favor. It’s better than nothing.
At least ang MILF at ang ating army, hindi na mag-away although ngayon, may tampo pa si Misuari, that’s natural e.
But if this could bring peace in Mindanao, OK ako dyan.
B: RH Bill?
I am in favor of the RH Bill.
I have seen the draft and there is no such thing as, yung sabi nila na, abortion.
You know, we should be practical, pag di na-control ang population, talagang maghihirap tayo.
Ang importante diyan ay ma-inform ang mga tao kung ano ang batas na ito especially, ang mga nanay, housewives.
I am not in favor of abortion pero kung gagamit ka lang ng contraceptives, wala naman sigurong masama dyan.
B: How about divorce?
Divorce, against ako dyan.
Mahirap yan because once you tolerate that one, baka masira ang family values natin.
May biro ako dyan e. Bakit di na lang natin lagyan ng term limit ang marriage contract like 15 years tapos pag gusto nyo pang ituloy ang pagsasama i-renew ninyo for another 15 years.
Pag ayaw nyo na e di tapos na. Pero joke lang yan ha.
B: Same sex marriage?
Kalokohan yan. I’m not in favor.
B: Illegal gambling?
Dito sa Davao wala masyadong illegal gambling.
Kung meron man, maliliit lang like last two, kay hindi talaga magpayag si Duterte niyan.
B: Anti-epal bill?
Pag government project, government project yan, kaso nilalagyan ng pangalan ng Congressman or something.
Siya ba nag-finace niyan? Sa kanya bang pera yan?
Against ako diyan. Pero for example ngayong Pasko, puwede kang maglagay ng Christmas greetings.
Like “Greetings from Luis Bonguyan” tapos nakalagay ang picture ko, pwede yan dahil galing yan sa bulsa ko, pero government projects tapos andyan ang mukha ng Congressman, ay di pwede yan.
Wala namang nakasulat na “Vote” dyan, basta Christmas greetings lang.
B: How much is your net worth (SALN)?
I’m not sure, siguro mga P20 million.
B: How many cars do you own?
Tatlo lang. Actually isa lang ang sa akin, yung isa sa anak ko at yung isa sa asawa ko. So Tatlo.
B: How many houses do you own?
I have only one but I have a five-hectare farm somewhere in Tugbok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.