Alden mas tumindi pa ang karisma sa mga Pinoy; lamon na lamon si Aljur
Walang pakialam ang isang kaibigan naming becki kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol kay Alden Richards. Para sa kanya ay si Alden na ang pinakaguwapo, pinakamagaling umarte at pinakamagaling kumanta.
Sabi pa nito, “Meron siyang characteristic na kakaiba sa ibang artista, hindi mo naman puwedeng sabihin na siya na ang pinakaguwapong male personality nga-yon, pero meron siyang charisma na siya lang ang kakikitaan mo ng ganu’n.
“Para mo siyang idol na parang brother mo na parang anak mo. Ganu’n si Alden, he’s close to everyone’s heart,” dagdag pa ng aming kaibigan. Nasubaybayan nilang magkakatropa ang career ni Alden, nang mapanood nila ang sikat na aktor sa Ilustrado ay isa lang ang nagkakaisa nilang nasabi, may pupuntahan ang career ni Alden.
“Pero hindi namin in-expect na ganito siya magiging kasikat ngayon, ‘yung magiging heartthrob siya, tama si Alden kapag sinasabi niya na malaking blessing sa kanya si Maine Mendoza.
“Akalain mo ‘yun? Si Aljur Abrenica ang sikat nu’n sa GMA 7, pero nga-yon, lamon na lamon na silang lahat ni Alden! Sa isang iglap lang ‘yun, ha?” komento pa ng becki na-ming kaibigan na itago natin sa pangalang Sonia.
Pero kung malaki ang nagawa ni Yaya Dub sa kasikatan ngayon ni Alden Richards ay ganu’n din katinding pasasalamat ang dapat ibalik sa kanya ng dalaga.
Hindi ‘yun ikinakaila ni Maine, palagi rin nitong pinahahalagahan ang malaking pagbabago sa kanyang buhay dahil sa AlDub, nagkatulungan talaga sila at nagkahilahan paitaas. Sa totoong-totoo lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

