Multo ng SAF sa Montero | Bandera

Multo ng SAF sa Montero

Lito Bautista - December 11, 2015 - 03:00 AM

HUWAG kang gagawa ng masama laban sa sambayanan, nang hindi ka kasuklaman ng iyong mga kababayan, ayon sa Ecclesiastico 7:7. Sinusuwerte ang Ikalawang Aquino (hindi nakangiti ang Santo Papa nang mag-side trip siya sa Va-tican dahil ang pagdalaw sa tanggapan ng Santo Papa ay may okasyon at imbitasyon) dahil simula noong Imaculada Concepcion at Hubileo ng Awa, Adbiyento ang mga Ebanghelyo at ito’y nakatuon sa pagsalubong sa pagdating ni Jesus.

Pero, ang nakababahala ay ang ika-walong araw sa novena kay Santo Juan Paolo II: Hindi natin kailangan ang maraming bagay para mabuhay nang masaya. Madalas, tayo’y bitag sa paramihan ng pag-aangkin at nakamit, palaging balisa at hindi nakokontento. Sapol na naman si Corazon Soliman sa homilia ng mga simbahan hinggil sa kanyang galit nang tapyasan ng “konting” bilyones ang budget ng DSWD.

Ang sabi ng asenderong PNoy, ang taumbayan daw ang boss niya. Pero, hanggang ngayon ay Sacada pa rin ang taumbayan. Ang malas naman ng taumbayan, Sacada pa rin sila dahil ang susunod na pangulo ay si Mar Roxas, na asendero rin. Kung nasusundan ninyo ang radio-TV ads ni Roxas, walang ipinag-iba yan kay Aquino noon: basyong mga pangako. Mantaking pangakuan ka na “kung walang korap, walang mahirap” (?!?!)

Tama pala si Jejomar Binay sa pagpili kay Gregorio Honasan. Si Binay ang pangulong himagsikan; Rodrigo Duterte, pangulong konseho; Honasan, pangulong militar-sibil. Suportado ito ng ilang heneral ng AFP. Ayaw ng ilang heneral na maging pa-ngulo si Mar Roxas (alam yan ni PNoy) gayung hindi naman siya mananalo sa patas na eleksyon. Saan si Bongbong? Siya ang bahala sa malayang halalan at bagong Saligang Batas. Kapag dinaya ang eleksyon.

Uuwi ang retiradong mga heneral ni Fidel Ramos dahil ang kanilang trabaho ay simple: zero kidnap sa ARMM. Bagaman madugo, madaling gawin ito dahil suportado ito ng CIA. Sawang-sawa na ang US sa mga politikong mababait sa mga kidnaper sa ARMM. Noon ay bumababa si Kristie Kenney sa Sulu nang walang dibisyon at batalyon ng AFP bilang kanyang bodyguard. Maraming nakalap ang ambassador. Mangyayari ang “madugo” dahil limliman na ng ISIS ang Mindanao.

Maaamoy ang sumusugbong sinaing ng pag-aalsa sa unang anibersaryo ng SAF 44 sa Enero 25, 2016. Masdan ang mangunguna’t mamumuno sa paggunita. Ang sinapit ng SAF 44 at Albarka 19 ang pabalat ng nakaambang himagsikan (may kuwento kung bakit nanunuwag ang mga Montero: minumulto raw yan ng SAF 44 dahil mas inuna ni Aquino ang Mitsubishi kesa pinatay na special action forces).

Tatlong araw pagkatapos iumang ang kasong kriminal kay Virgie Torres, sinabi ng butihing anak nina Ninoy at Cory na tatambakan siya (Aquino) ng mga kasong kriminal pagkatapos ng kanyang termino. Ang sabi niya, gaganti ang kanyang mga ipinakulong dahil sa katiwalian. Sa pagong mo sabihin yan dahil kailanman hindi depensa yan sa husgado. Kawawang (sorry) pagong.

Nagalit ang kaibigang retired PC general nang malamang kinampihan pa ni BS Aquino ang extortionists sa Office for Transport Security sa airport ni Ninoy Aquino. Naitalaga rin siya sa MIA noon pero kapag overseas contract worker, kinaawaan ang mga ito, at tinutulungan lalo pa’t mula Ilocos ni Marcos. “Dapat kay Noynoy, tanman ng bala kapag di na siya pangulo dahil mas inuuna niya ang bala niya kesa bayan,” anang hene-ral. Ang firing range sa Malacanang ay hindi para sa pangulo. Hindi rin niya ito personal firing range.

Oca Malapitan, nakapaskil sa labas ng CSWD sa North City Hall ang: “Walang Christmas gift sa senior citizens.” Ang lupit naman. Hindi ka na nga nagbigay ng birthday gift sa seniors ngayong 2015, wala pang Christmas gift? Iboboto na ng seniors si Recom Echiverri.

MULA sa bayan (0916-5401958): Grace Poe, nasaan ang iyong rehistro bilang pulot? Wandy, ng Bukandala, Imus, Cavite …9959.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending