Sue Ramirez, Javi Benitez hiwalay na raw, may 3rd party involved?
MATAGAL na palang hiwalay sina Mayor Javi Benitez ng Victorias City at ang aktres na si Sue Ramirez.
Tanda namin ay isinulat namin ito dito sa BANDERA sa pamamagitan ng blind item dahil wala pa kaming go signal sa aming source na pangalanan sila.
Bungad ng aming kausap, “Inaayos naman dati kasi nga mahal naman nila talaga ang isa’t isa, lalo na si Sue.
“Kita mo naman kapag walang work, lumilipat siya ng Victorias para makasama si Javi kasi hindi naman makaluwas ng Manila si Javi dahil busy. Kung luluwas ‘yun para lang dalawin ang mom niya,” sabi ng aming source.
Siyempre ang next na tanong namin ay kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez ibinandera si Mayor Javi Benitez, pinatunayang going strong ang relasyon
“Sabi hindi raw boto ang parents ni Javi kay Sue, ‘yun ang kuwento ng common friend namin, pero kung hindi boto, bakit umabot pa sila ng almost five years, di ba? E, di sana noon pa inayawan na.
“Pero may version naman na may ibang gusto ang parents for Javi kaya si Sue iyak nang iyak nang malaman ang kuwento.
“Kaya si Sue nowadays medyo lutang, pero nagagawa naman niyang mag-work, in fairness naman sa lola mo,” kuwento sa amin.
Nang makita namin si Sue ilang buwan na ngayon ang nakararaan ay malungkot ang mga mata at ngumingiti lang kumpara rati na ang ganda ng mga ngiti at bebeso pa.
Sabi naman ng isang taga-ABS-CBN ay idinadaan ni Sue sa trabaho ang lahat para makalimot kaya tanggap nang tanggap ng work.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Sue at ni Mayor Javi tungkol sa isyung ito.
* * *
Inanunsyo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang nagpapakita ng kakaibang sining sa paglikha ng pelikula.
Ang “Maple Leaf Dreams” na tungkol sa pag-ibig at pag-abot ng pangarap, ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula kina Board Members (BMs) Katrina Angela Ebarle, Racquel Maria Cruz, at Glenn Patricio.
Ang “Bad Genius” mula Thailand ay rated PG din at kailangang may kasamang magulang o nakatatanda ang mga edad 12 at pababa.
Para naman sa mga manonood na edad 16 at pataas, swak ang science-fiction na “Megalopolis” at ang maaksyon na “Twilight of the Warriors: Walled In” at “I, The Executioner.”
R-16 din ang “The Paradise of Thorns,” isang pelikulang sumentro sa pagmamahal, pagtanggap, at karapatan ng nasa LGBT community. Niribyu ito nina BMs Cruz, Atty. Cesar Pareja, at Richard Reynoso.
Hinihikayat naman ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang lahat na panoorin ang mga pelikulang tiyak na may angkop na klasipikasyon para sa manonood at kabataan.
“Ang iba’t-ibang pelikula ay binigyan ng angkop na klasipikasyon para maging gabay ng pamilyang Pilipino sa pagpili ng responsableng panonood,” sabi ni Chair Lala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.