SI DALIA Guerrero-Pastor, asawa ng pinatay na racing champion na si Enzo Pastor, ay nasa listahan na ngayon ng wanted persons ng Interpol, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang Interpol ay isang samahan ng law enforcement agencies ng mga 190 na bansa.
Nag-isyu ng “red notice” ang NBI para kay Dalia sa Interpol upang hulihin siya at ibalik sa bansa kapag nahuli siya sa labas ng Pilipinas.
Ang red notice para kay Dalia ay nag-ugat sa warrant of arrest na inisyu ng Quezon City court kaugnay sa pagpatay sa kanyang esposong si Enzo.
Pinaghihinalaang mastermind si Dalia sa pagpatay sa kanyang asawa sa isang kasong “love triangle” na diumano’y kinasasangkutan niya, ng alleged kanyang lover na si businessman Domingo “Sandy” de Guzman, at ni Enzo.
At siyempre, ang lalaking natotorotot ng kanyang asawa ay walang kaalam-alam, at kung malaman man niya ay huli na.
Namatay si Enzo na maaaring walang kamalay-malay sa pangangaliwa ni Dalia.
Sa aking karanasan bilang police reporter, madalang na planuhin ng babae na nagloloko ang pagpatay sa kanyang mister.
Pero may mga babae na kapag nagloko ay gagawin nito lahat upang masunod ang kanyang kamunduhan at hindi mangingiming na ipapatay ang kanyang mister.
Masasabi natin na ito ay “tawag ng matinding pangangati” at tanging ang kanyang querido lamang ang makakatugon nito.
Di gaya ng lalaking nangangaliwa, ang babaeng naglalaro ng apoy, ‘ika nga, ay mahirap mahuli.
Pero there are tell-tale signs. Isa rito ay ayaw nang makipagtalik kay Mister. Marami na itong dahilan, kesyo may “red flag” siya, kesyo pagod siya dahil naglinis siya ng bahay.
Isa pang senyales: Kapag ang babae ay sa kanyang Mister lamang umaasa sa finances, nauubos agad ang kanyang budget. Ito’y dahil sa sinusuportahan niya ang kanyang kabit sa budget ng bahay.
At isa pang senyales: Palaging umuuwi ng bahay ng disoras ng gabi at maraming dahilan: kesyo nasa bahay siya ng kanyang kumare, o kaya ay nakipagtsikahan sa kanyang mga kaibigang babae kahit hindi naman.
Kaya ayaw ding makipagtalik kay mister ang babaeng may kabit dahil baka may tsikinini sa katawan o kaya ay basa pa.
At isa pang senyales: Kapag umaalis si mister para sa trabaho ay umaalis din ng bahay si misis.
Mga mister, hindi masama kung tsine-check natin paminsan-minsan ang sinasabi ng ating misis gaya ng pagtsi-check nila sa ating mga alibi kapag tayo’y ginagabi ng pag-uwi.
Hindi dahil wala kang tiwala kay misis, kundi paminsan-minsan ay da-pat nakadilat ang ating mga mata.
Mahirap nang masi-ngitan.
Maraming taon na ring di nakakauwi ang isang overseas contract worker sa Pilipinas.
Kayod nang kayod si mister upang maging mariwasa na ang kanyang pamilya kapag siya’y nagretiro na sa bansa.
Isang araw tumawag siya sa kanyang misis.
Mr.: Mahal, kumusta na ang ating maliit na sari-sari store?
Mrs: Naging grocery na!
Mr: Ang ating pinapasadang mga tricycle?
Mrs: Ito, meron na tayong kumpanya ng taxi!
Mr: Kumusta yung a-ting kariton na nagtitinda ng buko?
Mrs: Ah, naging mobile carinderia na.
Mr: At ang kaisa-isa nating anak, kumusta siya, mahal ko?
Mrs: Tatlo na sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.