Immigration officer na nagtaray kay JULIA dapat ‘imbestigahan’ | Bandera

Immigration officer na nagtaray kay JULIA dapat ‘imbestigahan’

- November 14, 2012 - 03:57 PM

Hindi pala talaga nakapagpigil ang immigration officer na pagsabihan si Julia Montes nang magsuplada raw ito sa airport.

Nag-request daw kasing magpa-picture ang immigration officer kay Julia kaya lang ay nadismaya ito dahil ni hindi raw nagsasalita at walang ka-effort-effort ang aktres while the picture-taking was taking place.

Hindi raw nakapagpigil ang immigration officer at sinabihan si Julia ng, “Alam mo ang supla-suplada mo.

Pinapanood pa naman namin ang teleserye mo.

Ngayon hindi na.”

Sabi pa raw ng immigration officer ay pagsasabihan niya ang kanyang mga pamangkin na huwag nang panoorin ang aktres.

Tama ba ang ikinilos ng immigration officer kay Julia?

Teka, oras ng trabaho ‘yon, hindi ba, so bakit siya magpapa-picture sa artista? Nasa job description ba niya ang magpalitrato sa artista?

Actually, wala siyang karapatang magtaray  dahil unang-una ay hindi naman niya alam kung nasa bad mood si Julia noong mga oras na iyon.

She’s the one requesting at kung na-sense niya kaagad na hindi maganda ang timpla ni Julia ay dapat hindi na niya itinuloy ang picture-taking.

Kung ganyan ang ugali ng immigration officer at nagtataray sa mga passengers ay hindi ba sila puwedeng sitahin?

Kaya kumalat ang chismis na ito ay dahil sa isang reporter na nagkataong kagagaling lang sa ibang bansa.

Apparently ay itsinika ng immigration officer ang nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tsismosa talaga. Tama ba ‘yon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending