Michael Pangilinan pinaghirapan nang todo ang pagpasok sa ‘Your Face’ final 4
Last night I was flooded with beautiful congratulatory messages for our baby Michael Pangilinan for winning the Week 13 episode (final week ng contest before its grand finals next week, Dec. 12 and 13) at pagkapasok niya sa Top 5 (he tied with Denise Laurel sa 4th Place).
Sayang at hindi ko napanood ang announcement last night because sinamahan ko si Michael sa “Songbird Sings In Biñan” show ni Ms. Regine Velasquez at hindi ko na inabot sa TV.
Pero after receiving all the messages, napaluha ako kasi I know how our Michael worked soooo hard para di tayo ma-disappoint. I always remind him just to give his best foot forward in every performance.
In fairness to him, kahit napupunta sa kaniya ang mahihirap na icons para gayahin, hindi siya nagpabaya. Masuwerte lang ang ibang contenders na sa kanila napupunta ang madada-ling gayahing icons kaya sinasabihan ko si Michael just to do his best.
Thank God and pinakinggan ang dasal nating lahat. Kasi nga, after ng 12th week, Michael ranked 7th at milagro na lang talaga ‘kako ang makapagpapasok sa kaniya sa grand finals dahil lahat magagaling.
Kaya this time, since nakapasok na rin lang si Michael sa grand finals (dark horse, di ba?), I am appealing to everyone na tulungan kami sa text votes – I hope I am not asking for too much.
We need someone like Michael – a new face – someone na sobrang dedicated sa kaniyang craft as a singer/performer, maybe new sa music industry compared to most of them pero obviously, he is very talented and a rare find.
Guwapo, galing sa matinong pamilya, brilliant singer, God-fearing and super-bait na bata. This boy always surprises me with many new explorations kaya tuwang-tuwa ako sa kaniya. Super loving pa lalo na sa family niya.
Kaya sana ay tulungan ninyo kaming marating niya ang tagumpay na minimithi niya. Let’s help him win this game. Try lang natin. Kung hindi man siya manalo in the end at least we tried, di ba?
Basta anak, lagi mong tatandaang nandito lang kami lahat para suportahan ka come hell or high waters. You will always be our bunso, OK? Kaya tulungan natin siya sa huling laban niya sa YFSF.
Aalamin ko ang mechanics how and I will share it sa inyo at sa Facebook. Thanks everyone. We love you. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.