Transport group magsasagawa ng tigil-pasada bukas
MAGSASAGAWA bukas ng tigil-pasada ang isang transport group para iprotesta ang balak ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na i-phase-out na ang mga pampasaherong jeepney na 15-taon nang tumatakbo sa kalsada.
Sa isang pahayag ni Alliance of Transport Organizations (ACTO) national president Efren de Luna, sinabi nito na dapat munang makipagdayalogo ang LTFRB sa mga jeepney drivers at operators kaugnay ng balak.
“Ano ba ang batayan nila? Sa edad lang ba? Paano yung mga 15 taon na pero maayos pa ang body at maganda pa ang takbo ng makina?” giit ni de Luna.
Idinagdag ni de Luna na nananawagan din sila sa pagbibitiw nina LTFRB Chair Atty. Winston Ginez Jr. at Land Transportation Office Assistant Secretary Alfonso Tan Jr. , na anila’y kapwa hindi maka-mahirap.
Simul Enero 2016, hindi na bibigyan ng prangkisa ang mga jeepney na 15-taon na mula nang nabili para makabawas sa trapik sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.