James Yap,Maricel Soriano; ilan lamang sa mga artistang nag-endorso kina Roxas at Robredo
PINAMUNUAN nina James Yap at Maricel Soriano ang mga artista at mga kilalang personalidad na lumabas sa pinakabagong music video para suportahan ang kandidatura nina dating Interior Secretary Mar Roxas at running mate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Ipinakita rin sa music video na tampok ang kanyang “Fast Forward” at inawit ng mga singer na si na Kris Lawrence, Jay-R at Billy Crawford ang loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at iba pang mga artista, kabilang na sina Carla Abellana, Karylle, Angelu de Leon, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Chokoleit, James Yap, Ramon Bautista, Rufa Mae Quinto, at Martin del Rosario.
Bukod kay Roxas, ipinakita rin ang asawa niyang si Korina Sanchez. Nasa music video rin ang mga anak ni Robredo na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Umabot ng apat na minuto ang music video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.