Alaala ng martial law | Bandera

Alaala ng martial law

- November 12, 2012 - 05:02 PM

SIYEMPRE, hindi martial law sa Maasin City.

Walang martial law sa Maasin City at hindi puwedeng magkaroon ng martial law sa Maasin City lamang.

Pumalag ang pulisya sa Maasin City nang magpahayag ng pagkadismaya ang taumbayan sa pamamagitan ng Facebook dahil sa sunud-sunod na nakawan.

Mga establisimento ang pinagnakawan, at hindi bahay.

Dismayado ang taumbayan dahil mga negosyo na ang nakapagtatakang sunud-sunod na pagnanakawan sa mistulang magkakalapit na lugar, na sinumang estudyante ng criminology ay may malinaw na sapantaha kung bakit nagaganap ito.

Sa Metro Manila, kahit mga bangko na ang hinoholdap ay dedma pa rin sa taumbayan, dahil marami namang bangko rito, at malakas din ang kutob nila na sa bawat bangkong hinoholdap ay may kasangkot na pulis, AWOL man ito o hindi.

Sa Maasin City, mahal ng mga residente ang pag-unlad ng lungsod.

Hindi tanga’t bobo ang mga residente sa Maasin City para maunawaan ang takbo ng mga krimen.Nagalit ang pulisya sa pagkondena ng mga residente kaya’t kinumbida ang pitong Maasinhon sa city police station noong Nob. 7.

Isa-isang ipinadala sa pito ang imbitasyon, na pagbabalik-alaala sa martial law noong 1972.

Kinukumbida ang mga kumakalaban sa gobyerno, sa militar, kabilang ang Philippine Constabulary, at pulisya.

Walang sinisinu, pari man o madre.

Kapag kinumbida sa Crame o anumang kampo, isinusunod na rito ang mahabang bakasyon.

Napakaganda ang bakasyon dahil nauuwi ito sa pagkabaliw o pagkamatay.

Ayon sa pulisya, ang pagkondena ng pito sa Facebook ay hindi tama at bibigyan lamang ng babala ang pito kapag sumipot sa police station.

Hahabulin ng batas ang pito, anang pulisya (nakabimbin sa Korte Suprema ang maraming pagkontra sa cybercrime law at may TRO na rito, maliban na lamang kung ang ipinaiiral ng pulisya ay ang De Lima policy).

Sa Metro Manila ay napakaraming nakawan, na kinasasangkutan ng ilang pulis.

Ang mga pulis sa Metro Manila ay hindi lamang kuntento sa pakikisangkot sa nakawan at mismong sila na ang nangongotong sa taumbayan na nagpapasuweldo sa kanila, para direkta na at wala nang pagpapartihan.

Kaya nga, mahigit 50 pulis na tiwali na ang nasisibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Leonardo Espina.

Araw-araw ay kinokondena ang tiwali at tamad na mga pulis sa Metro Manila sa Facebook, Twitter at ikinakalat din ito sa pamamagitan ng cell phone.

Masasakit ang nilalaman nito at meron pang %$#@%!

Pero, hindi sila kinukumbida ni Espina sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Bagkus ay ipinakalat at inilathala pa ni Espina ang kanyang cell phone number na puwedeng padalhan ng text message ng mga residente para ireklamo an gang tiwali at batugang mga pulis.

Hindi rin sinabi ni Espina na ang pagkondena sa mga pulis ay hindi tama.

Hindi rin sinabi ni Espina na bibigyan lamang ng babala ang mga kumokondena sa mga pulis sa Facebook.

Hindi rin sinabi ni Espina na hahabulin ng batas ang kumokondena sa mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil ang misyon ng pulisya ay “To Serve and
Protect.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending